Masaya ang buong cast ng “Haplos” dahil extended hanggang January 2018 ang kanilang afternoon prime series sa GMA.
Maganda ang kanilang Pasko at Bagong Taon.
Ilang tulog na lang at Pasko na. Out of town celebration ang plano ng pamilya ni Thea Tolentino.
Kasama si Thea sa SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko) dahil single pa rin siya since nag-break sila ni Mikoy Morales several months ago. Aniya, masaya pa rin siya dahil kapiling niya ang kanyang pamilya.
Friends pa rin sila ni Mikoy. Mutual decision nila ang mag-break para pareho silang makapag-focus sa kanilang career.
Abala rin si Thea sa pag-aaral. Two to three years from now, gagraduate na siya sa kursong Business Administration major in Public Administration sa Trinity College.
Ani Thea, mahirap, pero kinakaya niyang pagsabayin ang career at pag-aaral. Goal niyang magkaroon ng college diploma na maipagmamalaki niya sa kanyang parents.
Hindi isyu kay Thea kung na-typecast na siya sa kontrabida role. Deadma na lang siya sa bashers/haters niya. Sobrang masama at maldita ang karakter niya bilang Lucille sa “Haplos.” Grabe ang ginagawa niyang pang-aapi kay Sanya Lopez (Angela). Abangan daw ang mga bagong pasabog ,kaya tutok lang sa “Haplos.”
Walang kapaguran
Kung nagmo-mall show ang mga artistang may pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival, nagmo-motorcade naman si Coco Martin sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para i-promote ang “Ang Panday.”
Nagpa-palengke tour pa siya. Nakapunta na rin si Coco sa iba’t ibang probinsiya. Parang walang kapaguran ang aktor.
Pasado si Coco sa kanyang first directorial job na siya rin ang producer sa ilalim ng kanyang CCM Films. Graded B ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang “Ang Panday” na mapapanood na simula sa Dec. 25.
Inaabangan din ang float ng “Ang Panday” na sasakyan ni Coco and his co-stars sa MMFF Parade of Stars on Dec. 23 sa Muntinlupa City.
Nahirapan
Malabo na talagang magkabalikan sina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Hinihintay na ni Raymart ang pag-file ni Claudine ng annulment ng kanilang kasal.
Kasama si Raymart sa “Haunted Forest,” entry ng Regal Entertaiment sa MMFF. First horror movie niya ito na aniya, nahirapan siyang umarteng takot dahil hindi siya matatakuting tao. Tinulungan na lang daw siya ni direk Ian Lorenos.