By LAILA CHIKADORA
#Feeling Blessed! Ganyan daw mailalarawan ni JC Santos ang kanyang career ngayong 2017! “Meant to Beh!” nga para sa batang aktor ang taong ito!
Kabilang si JC sa MMFF entry na “Meant to Beh!” ng Octoarts Films at ng Mzet Productions. Reveal ni JC sa ikalawang presscon nito, madami daw siyang first time sa pelikulang ito. Ito ang first movie niya na kasali sa MMFF. Ito din ang unang pelikula niyang hindi indie at paglalaglag sa kanya ni Bossing Vic Sotto… first time din daw ni JC na magpunta sa Baguio dahil sa pagshoot ng ilang eksena ng “Meant to Beh!”
Say ni JC, kahit na taga-Pampanga lang siya ay never siyang nakarating ng Baguio. Hindi daw kasi siya mahilig gumala kaya hindi na niya pinag-effortan pa ang pumunta sa City of Pines! Parang bata niyang ikinuwento sa amin ang kanyang Baguio experience!
Parang dama mo ang cool weather nang sinabi niya sa amin na…. “ang lamig pala sa Baguio!” Sinulit naman daw ni JC ang kanyang Baguio experience at hindi pumayag nang hindi gumora sa ukayan! Overall… thumbs up para kay JC ang Baguio! At dahil nag-enjoy siya sisigiraduhin daw niyang sa susunod ay isasama na niya ang kanyang Davao-based girlfriend sakanyang next Baguio escapade!
Nilaglag man ni Bossing si JC may pambawi naman ito sa newbie actor! Say ni Bossing, mabait na bata si JC at bukod sa mapagmahal sa mga magulang ay mahal din niya ang kanyang ginagawa. Ang mga katangian ito daw ni JC ang mga katangian ng isang artista na tumatagal sa industriya!