By LAILA CHIKADORA
TWO years na lang pala at 50 years old na si Dawn Zulueta! Parang hindi naman halata, di ba?
Say nga ni Dawn, madalas na nalilimutan ng mga tao ang edad niya dahil baby-faced ang aktres! Pero say ni Dawn na ating nakapanayam sa presscon ng MMFF entry na “Meant to Beh,” alam niyang hindi unli ang kanyang youth at darating ang araw na magkakaroon siya ng mga kulubot.
Natatakot nga bang maging tanders si Dawn? Kaya nga ba niyang bumitaw sa pagiging Titas of Manila? Say niya, “Of course, it concerns me. I guess what I’m trying lang to do is trying to look good lang at my age.”
Pero hindi naman daw darating sa punto na magpapaturok siya ng kung anu-ano at mag a-undergo ng kung anu-anong lift para magmukhang youthful! Hanggang RF o mga Radio Frequency treatments lang daw ang keri niya.
Say ni Dawn, “I’m ok with the way I’m aging right now but if I can help it, delay it a little by the little simple choices I’m making, eating well and exercising, that would be good! But to go as far as to go under surgery, I don’t think that’s me! Turok-turok, hindi! Ang gusto ko lang gawin mga treatments, RF kasi ‘yung mga ganun (turok) temporary lang effect niyan kaya kailangan gawin niyo all the time.
Kaisa-isang Pinoy na binigyan ng Star Wars license, may regalo sa mga bagets ng Marawi!
KASABAY ng pagpapalabas ng “The Last Jedi” ng Star Wars, umariba sa Rockwell Makati ang exhibit ni Rodel Gonzalez, ang kaisa-isang Pinoy na binigyan ng lisensiya para gumawa ng Star Wars at ng Disney art.
Bukod kina Darth Vader, Master Yoda, Rey at Storm Troopers, kaabang-abang din mula kay Rodel na isa sa mga founding members ng Side A band ang mga art works niyang mula sa mga eksena ng latest pelikula ng Star Wars!
Slightly privileged lang naman daw siya habang ginagawa ang mga obra dahil imbis na ipapanood sa kanya in advance ang buong pelikula ay mga “stills” o larawan ang ibinigay sa kanyang movie franchise! Still, naunahan pa din niya ang iba, at mas na-excite siya lalo sa pelikulang showing na sa mga sinehan!
May tribute din siya ng obra para sa aktres na si Carrie Fisher na gumanap na princess Leia sa pelikula. Ang pagpanaw ni Fisher ngayong taon ang naging inspirasyon niya sa paggawa ng painting na kasama sa kanyang exhibit. Nagkakahalaga ito ng tumataginting na R250,000!
Hindi naman umuwi ng Pilipinas ang US based artist para magpataba ng bulsa dahil espesyal ngayong taon ang kanyang exhibit. Ayon kay Rodel, ibabahagi niya ang kikitaing R150,000 sa mga batang Bakwit. ‘Yun daw ang kanyang munting paraan para makapagbigay kasiyahan sa kanyang mga kababayan ngayong Christmas season.
Tatagal ang kanyang exhibit hanggang Dec. 23 sa Power Plant Mall!