EITHER sa bahay ng lola nila sa Bulacan o sa bahay ng mommy nila sa Nagcarlan, Laguna magpa-Pasko si Sanya Lopez.
Hindi lang siya sure kung makakasama niya ang kanyang kuya Jak Roberto. Baka raw may ibang pupuntahan ito.
Dalawa lang silang magkapatid at ulila na sila sa ama. Maliliit pa silang bata noong namatay ang kanilang daddy. Ani Sanya, ang kanyang kuya Jak ang tumayong tatay sa kanilang pamilya.
Kapag Todos Los Santos, nagpipintura ito ng mga puntod sa sementeryo. “Masipag siya magtrabaho. Idol ko si kuya,” sabi ni Sanya nang nakausap namin sa taping ng “Haplos.”
Good year kay Sanya ang 2017. Biggest break niya na isa siya sa lead roles sa “Encantadia.” Nasundan ‘yun ng “Haplos” na solo lead role na siya. More projects sa 2018 ang kanyang wish.
NBSB (No Boyfriend Since Birth) si Sanya. Twenty-one years old na siya ngayon, pero aniya, hindi niya priority ang magkaroon ng boyfriend. Career muna ang focus niya.
Kung meant to be, darating ‘yun, aniya. Si Rocco Nacino kaya ‘yun? “Kinikilig ako sa kanya,” anang “Haplos” star.
Kamakailan ay nagbakasyon sa Japan si Rocco at pinasalubungan siya ng t-shirt, tumbler at eye cover kapag matutulog siya.
Ayaw mabitin
Always looking forward sa Christmas Season si Solenn Heussaff. Aniya, gustung-gusto niya ang Pasko, ang Christmas decorations, Christmas songs and other stuff. Ang saya-saya ng feeling ni Solenn and she makes sure na kasama niya ang kanyang family.
They eat together kapag Noche Buena at hindi nawawala sa hapag nila ang paborito niyang ham. “CDO Premium Holiday Ham ang favorite ko. Ito lang ang whole boneless meat mula sa hind leg. It has no extenders. ‘Yung ibang ham sa market, molded lang siya sa iba’t ibang piraso ng pork,” ani Solenn na second year na niya bilang endorser ng naturang produkto.
This Christmas, kasama ni Solenn magse-celebrate ang brother niyang si Erwan Heussaff and wife Anne Curtis, her sister, and brother-in-law.
Wala ang husband niyang si Nico Bolzico na sa Argentina magse-celebrate ng Holiday Season with his parents. Gusto sanang sumama ni Solenn, pero ang dami niyang trabahong paghahandaan for next year. Mabibitin lang daw ‘yung bakasyon niya kung ilang araw lang siya sa Argentina.