By Ruel J. Mendoza
Is Gabbi Garcia the fair-haired girl of GMA-7?
Sunud-sunod kasi ang projects ni Gabbi both sa entertainment at news department ng Kapuso network. Tuloy may nagsasabing siya ang paborito ngayon.
Hindi na lang daw pinapansin ni Gabbi ang favoritism issue dahil para sa kanya ay trabaho lang lahat at paid talent lang siya ng GMA-7.
Kabilang si Gabbi ng 2017 Metro Manila Film Festival official entry na “Meant To Beh” at minsan ay nagpi-pinch hit niya sa “Chika Minute” ng “24 Oras”.
Now ay may sarili pa siyang online show sa GMA ONE Online Exclusives na #Goals kunsaan magbibigay siya ng make-up tips at iba pang girl topics na mag-eere na sa January 1, 2018.
Happy si Gabbi na nakakagawa siya ng ibang shows sa news and public affairs ng GMA-7 dahil ibang avenue naman daw ito para sa kanyang career.
“I’m happy to be working with the news and public affairs department ng Kapuso network. Sila ang the best sa industry na ito and I’m flattered na nabigyan tayo ng chance to do a show na makakatulong sa mga millennials na tulad namin.
“The online show #Goals is not just about beauty, kaartehan or pagpapa-cute, it’s also a place where we can be personal with one another, know your problems as teen sa mundong ito.
I know that there are a lot of make-up tutorial shows on YouTube, pero like what I said, this it not just about make-up. It’s about dealing with your goals in life,” sey pa ni Gabbi.
May bagong teleserye din si Gabbi for 2018 ang Sherlock, Jr. kunsaan magtatambal sila ulit ni Ruru Madrid.
“GabRu is back. Excited na kami ni Ruru sa show na ito kasi matagal din kaming hindi gumawa ng teleserye na magkasama,” pagtapos pa ni Gabbi na makakasama sa GMA ONE ay sina Atom Araullo ng #Adulting at si Joseph Morong ng Fact Or Fake.