by Ruel J. Mendoza
Big break para sa GMA News Correspondent na si Joseph Morong ang mag-host ng sarili niyang show sa GMA ONE Online Exclusives na Fact Or Fake.
Inamin ni Joseph na malaking pressure ang nararamdaman niya sa simula pa lamang ng taping niya for the show Fact or Fake With Joseph Morong.
Very timely ang mga topics ng kanyang show kaya doble at triple ingat sila sa mga stories na lalabas.
“Sa editing pa lang kasi, madugo na.
“We need to check our facts, yung mga sources namin kailangan reliable and credible.
“GMA is going to be joining the fray on the subject of fake news. Alam nyo naman ang criticism sa mainstream, even the context napapansin lahat yan.
“Nothing is spared when it comes to social media.
“So we’re here to help netizens spot the real news from the fake ones. Maraming paraan to know that.
“Sa internet kasi, laganap ang mga websites na naglalabas ng fake news. Our show will deal with that and evertually, educate the millennials kasi karamihan sa kanila naniniwala sa mga news on the net,” paliwanag ni Joseph.
Sa pilot episode ng Fact Or Fake, ide-define ni Joseph ang fake news sa paniwalang “to be able to deal with it, we have to define it.”
Magbibigay din siya ng examples kung alin ang fake news sa mga lumalabas sa internet.
Magiging guest ba niya sa show si Assistant Secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) na si Mocha Uson? Naakusahan kasi si ASEC Uson na nagkakalat ng fake news.
“Hopefully kung di masyadong busy si ASEC Uson, we would love to have her on the show,” ngiti pa ni Morong.
January 1, 2018 nagsimula ang GMA One Online Exclusives ang Fact Or Fake With Joseph Morong at makakasama rin ang mga online shows nila Atom Araullo na Adulting at #Goals with Gabbi Garcia.