By Danny J. Estacio
MAUBAN, Quezon – Patay ang isang security guard sa Barangay Concepcion dito matapos itong magpatiwakal Lunes ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christopher A. Cañete, 20 anyos.
Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang insidente ilang minuto makalipas ang hating-gabi, habang nakikipagtalo ang biktima sa kanyang girlfriend.
Diumano nagbanta itong magpapatiwakal kung aalis at iiwan ng girlfriend.
Hindi nga nagtagal at kumuha ito ng lubid at kinabit ito sa kanyang leeg.
Tinangkang pigilan si Cañete ng kanyang girlfriend nguni’t sadyang malakas daw ito.
Huli na ang lahat ng matanggal ang lubid sa leeg ng biktima.
Dineklara itong dead-on-arrival sa Mauban District Hospital ng attending physician na si Dr. Marilou Chan.