By Ruel J. Mendoza
MAGWAWAKAS na ang top-rating primetime teleserye na “My Korean Jagiya” na pinagbibidahan nila Heart Evangelista at South Korean actor na si Alexander Lee.
Limang buwan na tumakbo ang teleserye at na-maintain nila ang kanilang audience sa simula pa lang. Magtatapos na nga ito sa Jan. 12.
Naging very close nga raw silang lahat sa set ng “My Korean Jagiya” at ikanatuwa pa nila ang pagkapanalo ng isang cast member na si Ricky Davao (who plays Tita Josie Asuncion) bilang best supporting actor sa FAMAS for “Iadya Mo Kami” at Edgar Allan Guzman na nanalong best supporting actor for “Deadma Walking” sa Metro Manila Film Festival.
Ayon kay Heart, ito nga raw ang pinaka-successful na teleserye na ginawa niya na muling nagpakilig sa kanyang mga fans. Kahit na raw may asawa na siya, kinilig ang marami sa kanila ni Xander Lee.
“This is one of my successful shows ever and I can really feel na tinanggap talaga ako ng viewers nang buong puso in my role as Gia.
“From the bottom of my heart, I’d like to thank all the regular followers of the show na sumubaybay sa amin gabi-gabi for five months,” sey ni Heart.
Sa pagpasok ng 2018 ay hindi raw muna tatanggap ng bagong teleserye si Heart dahil gusto raw nilang magkaroon na ng baby ng mister niyang si Senator Chiz Escudero.
“I said that last year pa na after ‘My Korean Jagiya,’ magpapahinga muna ako to concentrate on our little project ni Chiz.
“Gusto na namin talaga magkaroon ng little one, boy man siya or girl, basta may mabuo na kami ngayong taon.
“Kaya I’ve prepared myself na for it. I want to be healthy for our baby kaya bawas muna ako ng trabaho sa showbiz,” ngiti pa niya.
Noong nakaraang New Year ay sa Balesin nag-celebrate sina Heart at Chiz kasama ang twin kids nito from a previous marriage.
“I thank God for this wonderful family na binigay Niya sa akin. And I really wish our baby will come soon,” pagtapos pa ni Heart Evangelista-Escudero.