HANGGANG Jan. 7 na lang ang Metro Manila Film Festival, kaya may pagkakataon pang panoorin ang festival entries.
Highly recommended ng entertainment editor na si Isah Red ang “Deadma Walking” na aniya, “It’s an intelligent film about two male gay friends and their funny but touching friendship.”
Tinanghal na best supporting actor si Edgar Allan Guzman na gumanap bilang isang flamboyant gay performer. May mga nagsasabing dapat daw ay best actor ang iginawad kay Edgar. Sila ni Joross Gamboa ang dapat nagwagi bilang best actor, protesta pa ng mga nakapanood ng “Deadma Walking.”
Well-written ito ni Erik Cabahug at well-directed ni Julius Alfonso. Produced ng T-Rex Entertainment.
Nakakaarte pala
Gandang-ganda sa mga tanawin ng Siargao ang mga nakapanood ng pelikulang ito, tampok sina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith. Very relaxing sa paningin ang magagandang locations na pinagsyutingan ng “Siargao,” directed by Paul Soriano.
Magandang come-on din ang body beautiful ni Erich na seksi-seksihan sa naturang pelikula. Pinuri ang acting niya ng entertainment writer na si Alwin Ignacio na nakakaarte raw pala ang Kapamilya actress.
Kapuri-puri rin daw ang acting ni Jasmine na dati nang magaling umarte. Win na nga si Jasmine ng acting award sa isang indie film na ginawa niya.
Congratulations!
Kung hindi ngayong January, sa February pa magtatapos ang “Super Ma’am.” Marami pang kaganapan ang dapat tutukan sa serye. Sina Gil Cuerva, Patricia Tumulak at Boobay ang bagong guests.
Sabi ni Marian Rivera, marami pang Kapuso stars ang mag-ge-guest para makalaban o maging kakampi niya.
Congratulations pala sa husband niyang si Dingdong Dantes. Ginawaran ito ng FPJ Lifetime Memorial Award sa nakaraang Famas Awards Night. Hindi nakarating si Dingdong dahil nasa Siargao siya with his family para sa post-Christmas vacation.
Ang kapuwa Kapuso stars niyang sina Ivan Dorschener at Maine Mendoza ay ginawaran naman ng German Moreno Youth Achievement Award. Si Ricky Davao ay nagwagi bilang best supporting actor sa pelikulang “Iadya Mo Kami.”
Inaabangan na
Inaabangan na ngayong 2018 ang paglipad ng bagong Darna na si Liza Soberano. Kinasasabikan nang masilayan ang bagong costume na isusuot niya bilang Darna.
Since ipinahayag ng Star Cinema na si Liza ang napiling mag-Darna sa makabagong version nito’y sumailalim na siya sa matinding training para sa action scenes. Abang-abang na lang sa announcement ng Star Cinema sa iba pang makakasama ni Liza sa biggest project ever niyang ito.