By Dante ‘Danz’ A. Lagana
Isang walang kakupas-kupas na Dessa ang bumulaga sa nakaraang Christmas party ng Manila Bulletin Editorial Department na nagpanganga sa mga empleyado sa kanyang galing pa rin sa pag awit.
Kinanta niya ang cover song na “Rise Up” ni Andra Day. Petmalung pagbirit on her own version. Wala siyang angal na kumanta ng acapella ng “O Holy Night,” “Halik,” ng Aegis at iba pa.
Para sa kaalaman ng mga millennials at new generation, si Dessa ang “primerang biritera” and Front Act Queen during the 1990s sa mga sikat na foreign artists noon gaya nila Mike Francis, Color Me Badd, Denise Williams.
She is best known for singing OPM hits and recorded, among others, “Saan Ka Man Naroroon,” “Bring Back The Times,” “Lipad ng Pangarap.”
Dessa is US-based at may anak na Guam-based, 21-year-old daughter, and 13-year-old son. Nagkaroon siya ng anak sa pagkadalaga at may anak sa former husband niya na divorced na. Kasalukuyan siyang may love of her life after moving on.
She is a resident of Las Vegas at umuwi siya ng ‘Pinas last June 2017. Habang nasa Las Vegas she’s doing shows pa rin.
Six months siyang namalagi sa Pinas after nun bumabalik siya sa US. Nakagawa pa siya ng single under Star Music.
Nung natanong ng Tempo kung pagbabalik ba niya ito “oo nagbabalik ako, uuwi muna ako pero babalik ako kasi kailangan naming mapromote, dahil may show ako sa March sa Music Museum.
Inamin niyang wala na siyang vocalization unlike noong amateur pa siya pero ngayon hindi na niya ginagawa.
Nahingan natin si Dessa ng comment sa mga bagong singers ngayon. “Ang daming magagaling, I love Morissete Amon and I love also Katrina Velarde, the suklay diva, oh my goodness, matinding kasama ‘yan napakagaling niya sumasakit ang ulo ko pero sobrang galing. May different na galing silang dalawa,” saad ni Dessa.
Sino si Dessa ngayon? “She is a woman who is a survivor, stronger, better person and lovelier,” sagot niya.
Nagbigay din siya ng advice sa mga baguhang singers. “If they really love what they’re doing kailangan may determinasyon sila, may passion sila kasi yun ang importante doon.’’