By LAILA CHIKADORA
SA unang pagkakataon, nagsama-sama sa iisang stage ang mga Pinoy rock icons tulad nina Lolita Carbon ng Asin, Heber Bartolome at Banyuhay, Coritha at Mike Hanopol para sa isang libreng Christmas concert na ginanap sa First Bulacan Industrial Park!
Ang mga titos at titas ng Malolos, enjoy na enjoy at naging bata muli nang kinanta na ng mga 70s rock icons ang kanilang mga hits gaya ng “Masdan Mo ang Kapaligiran” ni Lolita Carbon, “Tayo’y mga Pinoy” ni Heber Bartolome at “Sierra Madre”ni Coritha.
Pero ang pinakapetmalu sa concert na ito mga repapips…. ay nangmaki-jamming sina Lolita Carbon at Heber Bartolome kay Mike Hanopol habang kumakanta ito ng“No touch” kaya naman di narin napigilan ng crowd na maki-kanta sa kanila ng mga lodi nang tinugtog na ni Mike Hanopolang “Beep, Beep!”
Masaya ang mga rock icons dahil success sila sa pagpapaligaya ng mga titos at titas ng Malolos!
Kumpletos recados sana kung kasama nila ang isa pang rock icon nasi Joey Pepe Smith nana-stroke kamakailan. Pero kung isusugal din lang niya ang kanyang kalusugan, say ni Lolita Carbon, mas mainam daw na magpahinga na lang siya for good o panandalian para makarecover sa ikaapat na stroke. Dagdag pa niya, “Well masakit man sabihin, pero mayroon akong paniniwalana he should leave while hands are still clapping! I mean, may grand exit naman eh. But willing pa din kaming sumuporta and siyempre, sino ba naman di mag-wiwish ng di maganda para sa isang legend na si Pepe Smith so I hope maka-cope up siya.”
Mas maanghang naman sa siling labuyo ang mga binitawang salita ni Mike Hanopol na dating ka-banda niPepe tungkol sa ikaapat na stroke nito. Ouch!
Nagkasama pa sa isang rock concert sa Cuneta Astrodome ang dalawa last October, kaya hindi malinaw ang pinag-ugatan ng mga hugot ni Mike kay Pepe!
Nilinaw naman ni Mike na wala siyang hard feelings o tampo kay Pepe pero wag naman sanang limutin angkanyang kontribusyon sa rock band na Juan dela Cruz! Halos lahat ng mga kantang banda, si Mike Hanopol daw kasi ang sumulat.