By RUEL J. MENDOZA
HINDI nagawang itanggi nila Jason Abalos at Diego Loyzaga ang mga video scandals nila na kumakalat ngayon sa social media.
Hindi maipagkakaila na silang dalawa ang nasa videos na iyon na pinagpistahan na ng maraming netizens.
Pero parehong apologetic naman sina Jason at Diego dahil hindi naman daw nila intension na mapanood iyon ng maraming tao.
May dalawang taon nang nakakalipas nang kumalat ang video scandal ng award-winning actor na si Jason Abalos.
Hindi nagsalita ang 32-year old actor tungkol sa kumalat niyang video.
Nitong nakaraang grand press conference ng bagong GMA primetime teleserye na “The One That Got Away,” muling naungkat ang naturang video scandal at inamin ni Jason na siya iyon.
“Tao lang po tayo na nagkakamali.
“Walang taong perpekto.
“Nandiyan na ‘yan eh. Hindi ko naman ginawa ‘yon para sa lahat ng tao,” diin pa ni Jason.
Noong nakaraang October 2017 at pumirma ng exclusive contract sa GMA Artist Center si Jason making him officially a Kapuso talent.
Sa press conference naman ng pelikulang “Mama’s Girl” ng Regal Entertainment ay umamin si Diego Loyzaga sa kumakalat na nude video niya sa My Story ng Instagram.
Ayon sa 22-year old son nila Cesar Montano at Teresa Loyzaga, aksidente raw na-post niya ang naturang video kunsaan hubo’t hubad siya sa bathtub.
Nasa Europe si Diego noong maganap ang accidental post na iyon ng controversial video niya.
“Kung panoorin niyo po ‘yung mga stories ko on my whole trip, I have it saved there, on the highlights ng buong Europe trip. It shows kung paano nangyari yun.
“It’s a European tradition talaga na, it’s Swedish and Finnish tradition na you get butt-naked in the bath tub. Sauna muna ‘coz it’s snowing outside, then you’re going to the sauna.
“Pero talagang accident lang na na-post ko.
“Saved and My Story on Instagram settings is right next to each other.
“Na-save ko siya and I didn’t know na nilagay ko siya sa My Story, na hindi naman talaga dapat na-post.
“I don’t know why naging problema o issue ‘to, kasi tinanggal ko siya kaagad,” pagtapos pa ni Diego Loyzaga.