KSIDENTE lang daw ang pagka-upload ng nude video niya sa social media, paliwanag ni Diego Loyzaga sa presscon ng “Mama’s Girl.” Nagbakasyon siya sa Europe nitong nakaraang Holiday Season kasama ang kanyang mama Teresa Loyzaga at kapatid.
Nagpunta sila sa Sweden at Amsterdam na ani Diego, na-excite siyang ipakita ang kultura at tradisyon doon. Noong New Year’s Eve ay nasa bath tub siya, topless at butt naked.
Maganda ang pasok ng 2018 para kay Diego. May pelikula siyang ipapalabas where he plays Nico sa “Mama’s Girl” kung saan kapareha niya si Sofia Andres, ang babaeng pinakamalapit sa puso niya ngayon.
Tampok din sina Sylvia Sanchez, Jameson Blake, Yana Asistio, Heaven Peralejo, Arlene Muhlach, Allan Paule at marami pang iba. Prodyus ng Regal Entertainment, sa direksiyon ni Connie Macatuno at showing on Jan. 17 sa mga sinehan nationwide.
Di nag-break
Nakausap namin si Sofia Andres sa presscon ng “Mama’s Girl” at itinanggi niyang nag-break sila ni Diego Loyzaga.
“Paano kami magbi-break, hindi naman naging “kami”? aniya. Nanligaw daw sa kanya si Diego, pero pareho silang focused sa kanilang career, kaya hanggang friends lang muna sila. “Walang label,” ani Sofia.
Inamin niyang isa pa lang ang naging boyfriend niya, si Iñigo Pascual. Three years sila together, pero twice lang sila nag-date. Kasama pa ang kanilang respective moms. “I was only 14 years old then,” saad ni Sofia.
Aniya, malambing at maalaga si Iñigo. Friends pa rin sila kahit break na sila. When told na si Maris Racal ang girlfriend ngayon ni Iñigo, “tatanungin ko nga siya,” sambit ni Sofia/ Okey naman sila ni Maris at happy siya for them kung totoong “sila” na.
Inamin naman ni Sofia na nakaka-relate siya sa role niya sa “Mama’s Girl” dahil in real life ay mama’s girl siya. Si Sylvia Sanchez ang gumaganap na nanay niya sa “Mama’s Girl.”
Mainitin ang ulo
Mainitin ang ulo ni Nadine Lustre na aniya, madali siyang ma-stress. Si James Reid ang madalas niyang napag-iinitan, pero cool at chill lang ever ito. Ani Nadine, si James ang pinakapasensiyosong taong nakilala niya. “Hindi siya nagagalit sa akin. Hindi siya nagsasawa. Sa kanya ko natutunan paano mag-relax,” lahad ni Nadine sa presscon ng upcoming concert nila ni James billed “Revolution: The Jadine Concert.” Gaganapin ito on Feb. 9 sa Smart Araneta Coliseum.
Hatid ng Viva Live, guests sina Sarah Geronimo, Sam Concepcion, Kiana Valenciano, Bret Jackson at Vice Ganda.
Director is Paul Basinillo.
This 2018, sisikapin niyang less stress, ani Nadine na by the way, siya ang nag-direk ng music video nila ni James para sa kanilang pre-Valentine concert. Si James naman ang executive producer.