By Glen P. Sibonga
Wala pa rin daw label ang relasyon nina Diego Loyzaga at Sofia Andres. Pero ayon kay Diego, espesyal si Sofia sa kanya.
“Like I said before it’s hard to put a label on it dahil nga everyday talaga kaming magkasama for the past three years. But I don’t think there’s anybody in the world that knows me as much as Sofia does. And vice versa, I don’t thinks there’s anybody in this world that knows Sofia more than I know her,” sabi ni Diego.
Sa sobrang close nga raw nila ay naipakilala na nila ang isa’t isa sa kanilang mga pamilya. Kahit nga raw ang ama ni Diego na si Cesar Montano ay nakilala na si Sofia, at Sofi raw ang tawag nito sa aktres.
Ano ang impression ni Cesar kay Sofia? “Mabuti siyang tao, like she really is. Happy naman si Erpat na ipinakilala ko si Sofia sa kanya bago kami gumanap sa Pusong Ligaw. Natapos na lahat na naipakilala ko siya sa pamilya ko and naipakilala ako ni Sofia sa family niya.”
Samantala, bitter sweet ang nararamdaman nina Diego at Sofia sa nalalapit na pagtatapos ng pinagbibidahan nilang ABS-CBN afternoon teleseryeng Pusong Ligaw. “Mami-miss namin the people that we work with everyday. Iba yung nabuo na samahan namin. After seeing the video na inihanda ng production, it’s bitter sweet to think na after one whole year na halos araw-araw kaming magkakasama our show will end na,” ani Diego.
Dagdag ni Sofia, “But at the same time we’re happy that our show did well kasi tumagal kami sa ere ng nine months.”
Lubos ang pasasalamat nina Diego at Sofia sa mga taong sumubaybay at sumuporta sa Pusong Ligaw. Thankful din sila sa ABS-CBN at Star Creatives sa tiwalang ibinigay sa kanila para mapabilang sa mga bida ng serye. Mapapanood ang huling linggo ng Pusong Ligaw simula ngayong Lunes (Jan. 8) hanggang sa Biyernes (Jan. 12) pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.