GAY roles sina JC de Vera at Joross Gamboa sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes.” Gay husbands sila nina Angelica Panganiban at Judy Ann Santos respectively. Magka-apelyido sina JC at Joross, kaya parehong Mrs. Reyes sina Angelica at Juday.
Hindi nila alam na gays ang pinakasalan nila at kalaunan lang sa kanilang pagsasama at saka nila natuklasang bakla ang kanilang respective husbands.
Nasanay na si Joross sa gay roles na aniya, mas naiintindihan na niya ang pagiging isang bakla. “It doesn’t matter to me. Kung mabuti kang tao, as long as wala kang ginagawang masama. Ang importante, nagpapakatotoo ka bilang tao. Mahal tayo ni God,” saad ni Joross.
“It’s a blessing at happy ako na bahagi ako ng pelikula,”dagdag pa ng aktor.
Aniya pa, thankful siya sa kanyang wife na pagdating niya sa bahay, ginagawa siya nitong tunay na lalaki. Hindi niya (Joross) dinadala sa bahay ang gay role. Dalawa na ang anak nila ng kanyang non-showbiz wife who has always been supportive of his career.
Di isyu
Hindi rin isyu kay JC de Vera kung gay role siya sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes.” Aniya, it’s a pleasure working with Joross Gamboa, Judy Ann Santos, and Angelica Panganiban na wife niya sa pelikula.
Ayon pa kay JC, hindi siya aloof sa mga bakla dahil lumaki siya na may mga kamag-anak siyang bakla at tomboy. Close siya sa isang baklang tito niya.
“Maraming disenteng bakla at tanggap na ngayon ng society ang mga katulad nila. Dapat ay nirerespeto sila at wala na sanang discrimination,” lahad ni JC.
Si Jun Lana ang direktor ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na aniya, 2008 pa ang script nito. Kuwento ito ng mga kaibigan niyang bakla tungkol sa mga pinagdaanan ng mga ito noong iniwan ng kanilang mga minamahal. Showing ito on Jan. 17.
Bagay
Napansin ng entertainment writers noong presscon ng “Sirkus” na bagay sina Andre Paras at Klea Pineda. Pareho silang matangkad. Pwede silang i-build-up bilang magka-love team.
Pansin din na press-friendly na si Andre. Siya na ang unang bumabati, di gaya noong una na patingin-tingin lang siya, kaya napagkamalang suplado siya.
Andre plays Martel, isang lovable strong man in “Sirkus.” Isang fire-breather naman si Klea bilang Selfira. Hatid ng GMA News and Public Affairs, mapapanood ang “Sirkus” every Sunday simula Jan. 21, 6:10 p.m, sa GMA7.