By Glen P. Sibonga
Nagkita at nagkasamang muli sina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista sa Quezon City Hall noong Miyerkules, January 10. Nagulat umano ang mga empleyado at mga taong naroon dahil nakita nilang pumasok sa opisina ni Mayor Herbert ang ex-girlfriend nitong si Kris at kasama pa ang mga anak niyang sina Josh at Bimby.
Pero nasa QC Hall si Kris dahil siya ang ninang sa kasal ng yaya ni Bimby na si Raquel sa boyfriend nitong si Jun Aries Confesor. Si Mayor Herbert ang nag-officiate ng civil wedding.
Ayon sa aming source, si Kris daw ang sumagot sa naturang kasalan. Pati raw ang wedding reception ay ginastusan ni Kris. Ang actress-host din ang sumagot sa pamasahe ng nanay ng groom galing ng Bacolod.
Masaya naman si Kris para kay Yaya Raquel. Iyon nga lang ang apektado na naman daw ay si Bimby dahil nawalan na naman ito ng yaya. Ang unang yaya ni Bimby na si Gerbel, na kapatid ni Raquel, ay nagpaalam din kina Kris nang magpakasal ito.
Ipinost pa ni Kris sa kanyang Instagram ang picture ng naturang kasalan kasama ang caption na: “Another Luntayao sister is leaving us… Raquel who took over for Gerbel in taking care of Bimb got married today and is now Mrs. Jun Aries Confesor. Special thanks to Mayor HB’s Alice for helping Jack & Rochelle coordinate everything. And of course thank you Mayor Herbert for officiating. Poor Bimb, he didn’t cry anymore the way he did when Gerbel got married- but he was asking me for a heart to heart talk at 3:30 AM, telling me to please explain why things have to change and how come people he loves and gets attached to end up leaving? Can anybody really ever answer that? I just embraced him & told him we should be happy that people we love have found true & lasting love… and now we just have to pray extra hard that Bincai doesn’t fall in love, amen.”
Samantala, dahil nga reunited sina Kris at Mayor Herbert, na-curious tuloy kami kung ano kaya ang napagkuwentuhan nila sa kanilang muling pagkikita. Napag-usapan kaya nila ang naudlot nilang kasal noon? Sa interview kasi ni Kris sa People Asia Magazine (Dec. 2017-Jan. 2018 issue) with her on the cover, may inamin siya tungkol dito. Aniya, “One of the lowest moments of my life, I still remember the date, April 8, 2014, inatrasan ako sa kasal ni Herbert.” Sa kabila ng nangyaring solian ng singsing noon, ngayon ay magkaibigan na ulit sila.