By Ruel J. Mendoza
MALAKI na ang naging improvement physically ng Starstruck 6 winner na si Migo Adecer.
Huli naming nakita si Migo noong launch ng teleserye na “My Love From The Star” last year. Mas tumangkad siya at mas well-toned na ang muscles ng katawan niya.
Ang sikreto daw ni Migo ay ang constant workout at pag-inom ng Australian milk.
“My mom always sends me this specific brand of milk from Australia where I grew up.
“Favorite ko ang milk na iyon kaya hindi ako nawawalan sa bahay no’n.
“Tapos I regularly workout now. Mahirap kasi ‘yung tumataba ako. Matangkad pa naman ako kaya kailangan lean at may konting muscles ako.
“I enjoy working out now. Before tamad ako. Pero ayokong makatanggap ng fat memo kaya I focused and now I can’t start my day without breaking a sweat!” ngiti pa niya.
Kasama si Migo sa bagong GMA primetime teleserye na “The One That Got Away” at sa naganap na press launch nito ay pinakita ni Migo ang singing and dancing skills niya.
Sey ni Migo na hinusayan niya ang performance niya dahil very critical daw ang manager niya na si Ms. Kuh Ledesma.
“Mahirap ma-impress si Ms. Kuh. She’s the country’s pop diva and she’s so meticulous and picky. ‘Yung akala kong magugustuhan niya, it isn’t enough.
“Kailangan you should give your best every time. Kaya iyon, ginagalingan ko po parati kasi may mga nagse-send ng feedback sa kanya.
“Kapag nagkita kami sa church, she tells me her comments and she tells me to always be at my best kahit na simpleng mall show lang ‘yan,” diin niya.
Nag-improve na rin ang Tagalog ni Migo. Natutunan na niyang itago ang Aussie accent niya.
“It was hard pero nagawa ko po. If I want to be a good actor sa Pilipinas, kailangan magaling akong mag-Tagalog, ‘di po ba?” pagtapos pa ni Migo Adecer.