By Ruel J. Mendoza
INAMIN ng Kapamilya actress na si Sofia Andres na sobra siyang na-intimidate sa gumanap niyang ina sa pelikulang “Mama’s Girl” na si Sylvia Sanchez.
Pero di raw niya akalain na sobrang bait at mapagmahal na ina nila sa set.
“Noong una, intimidated po ako. But sobrang bait niya kaya naging comfortable agad ako sa kanya.
“Para siya talagang nanay sa set na very caring sa akin at sa iba pang co-stars namin.
“Naging very close kami at isinama pa niya ako when she and her family went on a trip to Singapore.
“We’re both excited to share this wonderful heartwarming film about the relationship between a mother and a daughter.
“If you feel that everything is falling apart and when everyone else leaves, it will show that our mother remains to support us always,” sey ni Sofia.
Ka-loveteam ni Sofia si Diego Loyzaga na good friend pa lang niya.
“We have nothing naman to admit kasi friends lang po kami.
“Sa totoo lang, mas okey po kung magsimula kami ni Diego as friends,” diin ni Sofia.
Kailan lang kasi ay na-bash si Andrea dahil sa pag-post nito ng photo na naka-swimwear ito. Nakatanggap ito ng mga magagandang comments, pero tumanggap din ito ng bashing mula sa maraming netizens.
Sinagot ni Sofia ang isang comment ng: “i didn’t create an account on instagram to show my tits and butt or show too much skin. there’s this anonymous who actually thinks i’m insecure and can’t be proud of my body. i love myself.”
Dagdag pa ni Sofia na wala raw siyang balak na sagutin ang basher, pero tao lang daw siya para masaktan sa mga panlalait sa kanya.
“Kasi naman, eh. Tina-try ko po talaga na, sa mga artista, bawal ang pumatol. But kami, may feelings din kami, napipikon,” diin pa ni Sofia.
Kaya si Diego na raw ang nagtanggol kay Sofia sa mga bashers nito.
“If you bash somebody, of course, the person is gonna react accordingly.
“Eh, wala naman sa lugar ‘yung mga sinabi, mga binato kay Sofia, so nag-lash out siya.
“It’s not nice, she’s a woman. She’s a girl, respect naman.”