By Ruel J. Mendoza
Matatawag na Regal Baby ang award-winning actress nasi Sylvia Sanchez dahil sa Regal Films siya unang na kilala bilang isang sexy star.
Naghahanap daw that time Mother Lily ng tatlong sexy na babae na magiging leading ladies ni Joey Marquez sa isang sexy-comedy film.
Natagpuan nila si Sylvia at nagandahan sa kanya si Mother Lily.
Kinontrata si Sylvia sa Regal Films at na-introduce siya sa 1989 film na Student Body kunsaan nakasama niyang na-introduce sina Maita Soriano at Maritoni Fernandez.
“Hindi ko ikinahihiya kung ano angpinaggalingan ko noon bago ako maging artista.
“Naging motivation ko iyon para mas magalingan ko pa ang pag-arte ko sa mga sumunod kong mga pelikula.
“Kaya malaki ang utang na loob kokay Mother Lily kasi after such a longtime, nakabalik ako at binigyan pa niya akong lead role sa pelikulang Mama’s Girl,” ngiti pa ni Sylvia.
Huling pelikula ni Sylvia sa Regal ay noong 1997 pa at ito ay ang Enteng at Mokong na bida sina Vic Sotto at Janno Gibbs. Ilan sa mga nagawang pelikula ni Sylvia sa Regal ay ang Shake, Rattle & Roll 2, Dinampot Ka Lang Sa Putik, Kulayan Natin Ang Bukas, Mahal Ko Ang Mister Mo.
Nanggulat si Sylvia sa press conference ng Mama’s Girl nasuot nito ay isang sexy black lace dress.
Ang character daw kasi niya sa Mama’s Girl ay isang cool mom na parangbarkada lang ang turing sa anak na babae played by Sofia Andres.
“Ganito yun, naka-box ako sasobrang hirap na nanay. ‘Yung mahirap na ang nanay ay losyang, ngayon… ibang image. Nagi-Ingles, totally different sa mga roles na ginagampanan ko.
“Sabi ni Direk Connie (Macatuno) ‘Sylvia, gusto ko sexy ka, Sylvia, i-drop mo, Sylvia ganito-ganyan kasi bagay sa ‘yo.’
“Si Direk ang may kagagawan nito, sa buong movie maganda ako, iniba niya talaga.
“This time gusto ko namang lumevel-up na… kaya ko ring maging sosyal, kaya ko ring magmukhang mayaman!” tawa pa ni Sylvia Sanchez.
671509 711716Wow! This could be one specific with the most valuable blogs Weve ever arrive across on this topic. In fact Wonderful. Im also an expert in this subject therefore I can understand your hard work. 527552
913864 356939Superb weblog here! Furthermore your web site rather a whole lot up quick! What host are you the usage of? Can I get your affiliate link to your host? I wish my website loaded up as quickly as yours lol 146567
325135 373224Oh my goodness! a great write-up dude. Thanks a lot Nonetheless We are experiencing trouble with ur rss . Do not know why Not able to sign up to it. Possibly there is anybody finding identical rss issue? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 3501