PAREHONG nananaba sina Luis Manzano at Angel Locsin. Dahil kaya sa busog na busog na pagmamahal ng kanilang respective partners na sina Jessy Mendiola at Neil Arce?
Sa TV commercial ni Luis ng isang brand ng multi-vitamins ay kapansin-pansin ang malapad niyang pangangatawan. Gayun din si Angel sa TV commercial ng isang grilled chicken kasama si Coco Martin.
Hindi naman kaya epekto ‘yun ng (o mga) gamot na iniinom ni Angel para sa kanyang back injury? Whatever! Nawala na ‘yung bakas ng “Darna” days ni Angel sa figure niya ngayon. In fairness, pretty face pa rin siya.
Tulad ni Luis, generous din si Angel. Isang contestant sa “Pilipinas Got Talent” ang sinagot niya ang pambili ng bubong ng bahay na ipinapagawa nito. Ani Angel, ayaw niyang may nalulungkot, kaya bukod sa bubong, nag-yes pa siya sa ginawang act ng contestant.
Marami nang natulungan si Angel. Kapag may kalamidad sa ating bansa, isa siya sa mga unang nagbibigay ng tulong.
Personal pa siyang nagpupunta para damayan ang mga biktima.
Sa gulong nangyari sa Marawi City, nagpunta sa evacuation center si Angel para magbigay ng moral at financial support sa evacuees.
Nang-inggit
Parang nag-aalborotong bulkang Mayon ang KathNiel fans. Nag-post kasi sa social media ang isang fan ni Daniel Padilla ng magkasama nilang picture na magkayakap. Nakaakbay si Daniel sa girl habang nakahawak naman ito sa bewang ng aktor.
Post pa ng girl, si Daniel pa ang nag-effort lumapit sa kanya noong napansin nitong hiya-hiyaan siya. Kinuha raw ni Daniel ang kanyang bag at inilagay sa upuan nito. Nang-inggit pa ang girl na tinanong raw ni Daniel ang kanyang name at kinuha pa ang kanyang phone number.
Ngitngit sa galit at parang bulkang Mayon na sasabog ang KathNiel fans. Baka raw na-type-an ni Daniel ang girl at ipagpalit kay Kathryn Bernardo. Naman! Sabihin na lang natin na nagmana si Daniel sa kanyang tito Robin Padilla sa pagiging gentleman at maasikaso sa mga babae.
Nega naman ang dating ni Daniel kung ang post ng girl ay binastos siya at dinedma ng aktor. Normal sa mga celebrity ang sweet-sweetang pakikipag-picture-taking sa fans. Huwag nang gawing isyu ‘yun ng KathNiel fans. Wala lang ‘yun! Okey?