By Anthony Giron
GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Isang mekaniko ang natagpuang patay sa isang kanal dito, Biyernes.
Ayon sa pulisya, natagpuan ang katawan ng biktima na kinilalang si Jonvic Garcia Sico, 21-anyos, bandang alas-sais ng umaga ng isang dumaraang tao na agad namang nag-report sa pulis.
Balot sa plastic bag diumano ang ulo ni Sico ng matagpuan ito. Nakatali naman ang kamay at paa nito ng packaging tape.
Ani Senior Police Officer I Darwin Manalo, case investigator, wala pa silang lead sa kasalukuyan ukol sa krimen.
Huli daw nakita buhay si Sico bandang alas-nueve ng gabi ng Huwebes na bumibili ng yelo sa isang tindahan.
Nadala na ang katawan ni Sico sa isang funeral parlor dito para sa autopsy.
488029 506790I adore what you guys are up too. Such clever function and exposure! Keep up the very good works guys Ive incorporated you guys to my own blogroll. 382856
435683 957139Howdy! Do you know if they make any plugins to safeguard against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any recommendations? 728119