LAST six days na lang ang “Super Ma’am” na ayon kay Matthias Roads, marami siyang natutunan, hindi lang sa pagiging artista kundi sa pagiging Pinoy. First TV series niya ito at thankful siya sa buong cast sa suportang ibinigay sa kanya. Na-realize niya na passion niya ang acting.
“It’s the best learning experience I’ve had. This is the real showbiz in the Philippines. Working hours are long, but you learn to adjust to it because in any working environment, there are things you must understand. It’s not easy especially adjusting to the culture, but I also get to learn, especially Tagalog,” ani Matthias.
Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng “Super Ma’am,” may banta sa pagpapanggap ni Mabelle (Kim Domingo). Narinig ni Minerva (Marian Rivera) ang pag-uusap nila ni Greta (Jackielou Blanco) sa telepono. Sa pagkuha ng DNA test ni Mabelle, mapatunayan kayang nagpapanggap lang siya? O, matuklasan niyang tunay silang magkadugo ni Minerva?
Third party
Kinumpirma ni JC Santos sa “Tonight with Boy Abunda” na hiwalay na sila ni Teetin Villanueva. Four years sila together. Career ang third party, kontra sa ipinost ng theater actress na isa lang ang stylist ni JC sa mga dahilan ng kanilang break-up.
Ayon kay JC, lack of time sa relasyon nila ni Teetin kaya sila nag-break. Hindi niya masuklian ang todong pagmamahal nito sa kanya. Unfair daw ‘yun kay Teetin na sobrang self-less.
Ayon pa kay JC, hindi pa sila nagkakausap dahil pareho pa silang galit. Sana raw ay maging magkaibigan pa rin sila.
Naging emotional si JC sa message niya kay Teetin na, “You deserve to be happy. You deserve someone better.”
Sabi pa ni JC, seryoso ang relasyon nila ni Teetin at inakala niyang forever na ‘yun. Ganyan naman ang kadalasang nangyayari sa isang relasyon kapag nag-showbiz ang kapartner. Nagsa-suffer ang lovelife dahil sa career.
Deadma
Aware si Andre Pa ras sa gender issue about him. Tinatawanan na lang niya ‘yun. Ayon sa ilang mapanghusga, kesyo malambot daw kasing kumilos at magsalita si Andre.
Wala pa rin siyang girlfriend. Ni wala raw nali-link sa kanya. Deadma na lang si Andre na aniya, isipin na kung ano’ng gustong isipin ng ibang tao tungkol sa kanya. Wala siyang dapat ipaliwanag.
Focused lang siya sa kanyang career. Kasama si Andre sa “Sirkus” bilang Martel, the lovable strongman. Mapapanood ito every Sunday simula Jan. 21 sa GMA-7 at 6:10 pm.