POSIBLE kayang magka-second chance sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino? Pareho silang single ngayon, kaya may mga nagpu-push na magkabalikan sila. Break na si Carlo and his non-showbiz girlfriend of seven years.
Sa isang interbyu, sinabi ni Angelica na sa mga ex-boyfriend niya, si Carlo lang ang pwedeng maging kaibigan niya.
Sinabi naman ni Carlo sa isang episode ng “Gandang Gabi Vice” na kung naging “matanda” (mature) na sila noon ni Angelica, baka sila ang nagkatuluyan. Sobrang matiyaga raw kasi ito sa naging relasyon nila noon for six years.
Mga bagets pa sila noon na natatandaan pa namin sa isang interbyu kina Carlo at Angelica, gandang-ganda si Carlo sa ilong ni Angelica. Lumipat pa nga sina Carlo ng bahay sa QC para magkalapit sila ni Angelica. Taga-South kasi noon sina Carlo.
Aminado si Carlo na siya ang may kasalanan kung bakit nag-break sila ni Angelica. Natuklasan ng huli na pinagsabay sila ni Camille Prats na friend nito. Nasira rin ang friendship nina Angelica at Camille.
It took years bago sila naging okey at nabalik ang kanilang friendship.
Back sa posibleng second chance nina Angelica at Carlo, ano’ng malay natin? Baka sila ang meant to be? Si John Lloyd Cruz na huling ex-BF ni Angelica ay four years sila together. Six years naman ang naging relasyon nina Angelica at Derek Ramsay.
Lucky wives
Lucky wives ang magkaibigang Judy Ann Santos at Gladys Reyes sa kanilang respective husbands na sina Ryan Agoncillo at Christopher Roxas.
Married for nine years na sina Juday at Ryan na aniya sa “Tonight With Boy Abunda,” never niyang naramdamang niloko siya ni Ryan. Ang haba-haba nga ng hair niya, joke ni Juday.
May renewal of vows naman sina Gladys at Christopher para sa kanilang 25 years of togetherness. Apat ang kanilang anak, three boys and a girl.
Tatlo naman ang kina Juday at Ryan, two girls and a boy. Ani Juday, may individual date sila ni Ryan with their children. May daddy and son bonding sina Ryan at Lucho. May mother and daughters bonding naman siya with Yohan and Luna. Iba pa ‘yung family bonding na sama-sama sila together.
May “alone time” rin sina Juday at Ryan. Nagta-travel sila abroad na hindi kasama ang kanilang mga anak. At least, 10 to 14 days sila abroad.