By Laila Chikadora
Halos 100 thousand likes na at 20 thousand shares ang Facebook post ni Anne Curtis tungkol sa GoPro na ipinahiram niya sa isang sundalo na nakipagbakbakan sa Marawi.
Sa kanyang post, may larawan kung saan ipinakikilala ni Anne ang isang sundalo. “The gentleman beside me is 1Lt Bala Tamayo of the Special Forces 134 Vishnu company.”
Nakilala ni Anne si Bala habang nagte-training at shooting para sa pelikulang Buy Bust sa Fort Magsaysay. Naging sanggang dikit ang tropa ni Bala at ang cast ng pelikula kaya naman kahit na tumulak papuntang Marawi ang tropa ni Bala, hindi sila nawalan ng communication at nagpapadala sila ng mga kailangan ng mga sundalo. Say ni Anne sa post “which was great because we knew exactly what the soldiers needed during such a harsh time and sent over care packages to somehow boost their morale.”
Bukod sa mga “care packages,” pinadala din ni Anne ang kanyangGoPro o isang maliit na camera para ma-document ni Bala ang pagbawi ng mga sundalo sa Marawi mula sa mga Maute-ISIS. May talent daw kasing itinatago si Bala! “he is actually a very good film maker and has done shorts for the Special Forces. His request to tell the story and experience the Marawi Siege from the boots of a soldier could not be left ungranted.”
Pangako ng sundalo kay Anne, isasauli niya ang GoPro at kung sakali man na masawi siya ay ibabalik ito ng kanyang buddy na sundalo.
Naisauli naman ni Bala nang buhay at nang walang gasgas ang GoPro ni Anne. Ang mga nakuhang videos ni Bala, very compelling at talaga namang mapapaiyak kasamga literal na “buwis buhay moments” ng mga sundalo.
Kaya naman panawagan ni Anne sa publiko, panoorin ang ginawang dokyu ni Bala. Sa huling parte ng post ni Anne, nagbigay-pugay siya kay Bala at lahat ng sundalong nakipagbakbakan sa Marawi!
Kung nais niyong mapanood, ito ang link, courtesy to 1LT Bala https://youtu.be/_4zXI0X8Brc.