By LAILA CHIKADORA
May bagong advocacy si Camille Pratts-Yambao na may special participation pa ng kanyang 4 month old baby girl na si Nala! Yan ay ang gumamit ng car seat kapag nagba-biyahe ang mga pamilyang may kasamang bata!
Ang bagong advocacy ni Camille ay nagmula sa Child Safety in Motor Vehicles Act of 2017 nanaipasa nasa kongreso at kasalukuyang nag aantay ng “yes” ng senado. Sailalim nito, required na mag child seat ang mga bagets kaya sakto naman ang bagong endorsement ni Camille na Joie Car Seats. Say ni Camille, better safe than sorry lalo na kung buhay ng anak ang nakasalalay! “Akala kasi natin ok na yungkarga natin sila, but really its not and I think, ito talaga yung isang bagay na hindi natin dapat i-compromise kasi you are driving safely as you can but the cars around you, we dont know that. So it’s really important that they are safe no matter what happens!
Kitang kita din sa presscon na very hands on si Camille sa kanyangbunso! Proud niyang ikinuwento na mahirap man sa una, gamay na gamay na niya ang pag-aalaga kay Nala. Masaya ding ibinahagi ni Camille na breastfed pa din si Nalahanggang ngayon!
Bilang dating child star at sumikatsa role na “Sarah Ang Munting Prinsesa” papayagan din kaya niyang sumabak sa showbiz angkanyang munting prinsesa ng siNala at a very young age? Say ni Camille..“Oo naman!yun lang, lalabas ang pagiging Miss Minchin ko! Siyempre diba?Yung pagiging protective natin of them? As parents we just want to shield them away from things na hindi pa appropriate sa kanila.
Give up na daw si Camille sapagbe-baby kapag 35 nasiya, kaya namanang mga gamit pambata, guess niyo kung kanino niya ipapamana? Sa kanyang bestie na si Angelica Panganiban kapag naging mommy na din daw ito! Matagalan pa ba yun? Spluk ni Camille, “Sabi ko ngasa kanya itatago ko na lahatng mga gamit ng anak ko and alam mo, wish namin lahat yun (mag-asawa) pero sabi ko sa kanya, huwag siya ma-pressure kasi her time will come, lahat naman tayo diba? Pana-panahon din yan, God’s perfect time. So, excited lang tayosa kanya and hopefully, ay may little Becky na din siya!”