By Glen P. Sibonga
“Si Juday, grabe ang galing kasi para siyang walang actor’s cue. Pag kailangan niyang umiyak, naiiyak niya. Pero hindi yung katulad sa soap na todo-todo. Paano niya kaya nagagawa yun? Kasi yung ibang artista pag iyakan na, titigil muna tapos biglang actor’s cue. Si Juday hindi, tuloy-tuloy talaga. Tapos pag nakita niyo yung dramatic scenes niya, iba-iba yung iyak, iba-iba yung styles. Pagdating din sa comedy, grabe, ang galing din niya. Si Angelica naman tahimik lang sa set, pero pag action na todo na. Pareho sa comedy at drama. Hindi nga nahirapan si Jun sa kanilang dalawa. Masaya kami sa opportunity na makatrabaho sila,” sabi ni Direk Perci.
Nang makausap din naminsa presscon ng Ang Dalawang Mrs. Reyes ang direktor nito at isa rin sa mga bossing ng Idea Firstna si Jun Robles Lana ay labis din ang paghanga niya kina Juday at Angelica. “Si Juday yung willingness niya to learn nakakahanga. Ang tagal-tagal na niya sa industriyang ito pero kaya siya nagtatagal at kaya siya superstar hanggang ngayon kasi alam niya kung paano ireinvent yung sarili niya. Napaka-humble na tao ni Juday. The mere fact na tinanggap niya yung project namin na ibang-ibang sa mga ginagampanan niya, ibig sabihin willing siyang mag-learn. Nagtatanong siya kung paano mapapaganda yung pelikula, pati sa performance niya, importante yun e kaya ka nagkakaroon ng mas maraming opportunities. Kaya niyang sumunod sa trend at pagbabago, ganun si Juday. Si Angelica naman, it’s my first time to work with her at tuwang-tuwa talaga ako kasi she comes to the set so prepared. Alam niya ang lines niya, lines ng mga kasama niya. Si Angge kasi pagwala sa trabaho akala mo hindi serious, akala mo nakikipagbiruan lang, pero pagdating ng take, pagdating ng eksena niya, seryoso siya at alam niya yung gagawin niya.