By RUEL J. MENDOZA
Nagpasalamat ang Kapuso hunk na si Ivan Dorschner sa Kapuso network dahil sa pagbibigay sa kanya ng ikalawang pagkakataon na maipakita ang talento niya sa pag-arte.
Inamin ni Ivan na ready na siyang iwan ang showbiz nung naramdamam niyang wala nang nangyayari sa career niya.
“I was already back in the States and I wanted to start another career because medyo frustrated na ako.
“But a close friend told me to not give up.
“I should pursue my career if I really want this and I found the answer when I became a Kapuso.
“GMA has really shown me many doors opened. Choice ko naman buksan ‘yon so thank you to GMA at nagkaroon ng tamang direksyon ang career natin.
“I will forever be thankful sa mga nagawa nila sa akin,” diin pa ni Ivan.
Pagkatapos ng teleserye na Meant To Be, muling bumango ang pangalan ni Ivan. Kinuha siya for numerous endorsements at sunud-sunod ang shows niya sa TV. His latest being a part of the newest primetime teleserye na The One That Got Away.
Kapansin-pansin na ang husay nang magsalita ng Tagalog ni Ivan.
Ayon sa aktor, parati raw siyang nagsasalita ng Tagalog para masanay siya.
Kahit daw nasa bahay siya, pinapanood niya ay mga locsl shows para raw masanay siya sa tunog ng pagsalita ng Tagalog.
“Kahit naman noon pa after PBB, I tried speaking Tagalog na.
“Hindi siya madali pero nagawa ko naman.
“Yung accent na lang ang gusto kong maalis sa pagsalita ko ng Tagalog. Mukhang mas okey na ngayon kesa dati, ‘di ba?
“Alam ko na kapag nag-work ka dito as an actor sa Pilipinas, importante na alam mo yung language. At naging matiyaga naman ako na matutunan ang Tagalog dahil Filipino ako,” pagtapos pa ni Ivan.