By Ruel J. Mendoza
Hindi binigo ng buong cast ng Himala: Isang Musikal ang mga dumalong media sa kanilang patikim ng ilang musical numbers na mapapanood simula February 10 sa Power MAC Center Spotlight in Circuit Makati.
Pinangunahan ang cast ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos na gaganap sa papel na Elsa na unang ginampanan ni Superstar Nora Aunor sa 1982 film version nito na dinirek ni Ishmael Bernal.
Ayon kay Aicelle, pinakamahirap na musical daw ang Himala sa mga nagawa na niya tulad ng Katy!, Maynila Sa Kuko Ng Liwanag at ang film version ng Ang Larawan.
“This is the hardest role I’ll ever play in my lifetime.
“I got excited but at the same time scared.
“I have a different take on Elsa as compared to the movie.
“It’s a big, big challenge but I have a very good director to help me.
“Portraying Elsa on stage is such a big and long process, but I take it day by day.
“I get to discover Elsa in every rehearsal and find the inner Elsa in me,” diin pa ni Aicelle.
Isa sa critically-acclaimed films ng dekada 80 ang Himala na produced ng ECP: Experimental Cinema of the Philippines noong 1982 at naging official entry sa 1982 Metro Manila Film Festival.
Napanalunan nito ang mga major awards including Best Picture, Best Director (Ishmael Bernal), Best Screenplay (Ricky Lee), Best Supporting Actress (Gigi Duenas), Best Supporting Actor (Spanky Manikan) and Best Actress (Nora Aunor).
Ang libretto ng Himala: Isang Musikal ay sinulat ni Vince de Jesus na mula sa libro ni Ricky Lee. Ang stage direction ay si Ed Lacson, Jr.
Kasama rin sa cast ng Himala: Isang Musikal ay sina Kakki Teodoro as Nimia, Neomi Gonzales as Chayong, Sandino Martin as Pilo, David Ezra as Orly and Bituin Escalante as Nanay Saling.
For inquiries and tickets, contact 09175545560, 5867105, [email protected], or Ticketworld at 8919999.