KAHIT special role lang siya sa “Sherlock, Jr.,” pumayag si Janine Gutierrez maging bahagi nito. Nag-workshop pa siya sa pagme-make-up at pag-rampa.
She plays Irene Manansala, lifestyle reporter at girlfriend ni Sherlock “Jack” Jr. (Ruru Madrid). Six (or 7?) years older si Janine kay Ruru, pero hindi halata dahil mukhang bata si Janine. Smiling face pa siya.
May kissing scene sina Ruru at Janine sa “Sherlock,Jr.” na wala naman sanang violent reaction ang GabRu fans nina Gabbi Garcia at Ruru. Hindi rin siguro isyu ‘yun kay Rayver Cruz na malapit sa puso ngayon ni Janine.
Walang dapat ipagselos ang GabRu fans dahil sina Ruru at Gabbi ang magkapareha sa “Sherlock, Jr.”
Wish naman ng fans ni Janine na bigyan siya ng bagong teleserye na pagbibidahan niya. Huli siyang napanood sa “Legally Blind.”
Sa Jan. 29 ang pilot telecast ng “Sherlock, Jr.” after “24 Oras” sa GMA Telebabad.
Kinabahan
Naipakilala na ni Benjamin Alves sa parents niya si Julie Anne San Jose. Kinabahan siya, ani Julie Anne. Ramdam naman niya na welcome siya sa pamilya ni Benjamin. Looking forward siya to seeing them again. Naka-base sa Guam ang parents ni Benjamin.
Itinanggi ni Julie Anne na ayaw ng parents niya kay Benjamin. May tsika kasing hanggang labas lang ng bahay nila si Benjamin kapag dinadalaw siya nito. Ani Julie Anne, tanggap ng parents niya si Benjamin. Nakikipag-bonding ang mga ito sa Kapuso actor kapag nagpupunta ito sa bahay nila.
Anyway, asahan ang presence ni Benjamin sa concert ni Julie Anne this Saturday night. Billed “#Julie,” sa Music Museum ito at 8 p.m..
Kahanga-hanga
Kahanga-hanga at kapuri-puri ang pagpunta sa Marawi City nina Robin Padilla, Piolo Pascual, Nadia Montenegro, direk Joyce Bernal at kaibigan nilang si Jose Antonio Lopez.
Pumunta sila sa mga lugar na naapektuhan ng kaguluhan doon. Pinasaya nila ang mga biktima at ang mga sundalong nakatalaga doon. Nag-courtesy call din sila kay mayor Majul Gandamara.
Sanib-puwersa sina Robin, Piolo at direk Joyce sa proyekto nilang “Tindig Marawi.” Sa post ni Robin sa social media, sinabi ni Piolo na “Kailangang tulungan natin tumindig ang Marawi, Pilipino tayong lahat.” Tama!!!