By RUEL J. MENDOZA
MUKHANG malayo pa ang hinahangad ng marami na magkaayos ang mag-inang Raquel Pempengco at Charice Pempengco a.k.a. Jake Zyrus.
Sa isang Facebook account ni Raquel, muling nagpasaring ito kay Jake.
Birthday kasi ng kapatid na lalake ni Jake na si Carl noong nakaraang Jan. 17. At sa pinost ni Raquel, sinabi nito na si Carl lang daw ang nag-iisang lalake sa Pempengco clan.
“Happy birthday Son Carl Ceiven Relucio Pempengco. Ang kaisa isang lalaki sa Pempengco Clan,” post ni Raquel.
Kung matatandaan ay nagkaroon ng alitan ang mag-inang Raquel at Jake dahil sa lumabas na life story nito sa programang “Magpakailanman” noong August 2017.
Pinagpilitan ni Raquel na puro kasinungalingan ang lahat nang kinuwento ni Jake sa drama anthology show ng GMA-7.
Nagkaroon ng sagutan ang mag-ina sa pamamagitan ng social media at maging sa mga TV interviews nila.
Nag-out si Jake bilang lesbian noong 2013 at ngayon ay dumadaan siya sa phase bilang isang transman.
Pinalitan na niya ang name niya mula Charice to Jake Zyrus.
Sinusubukan ni Jake na makipag-ayos sa kanyang ina, pero matatagalan pa para magkaroon ng katuparan ito.
Noong Jan. 12, nag-post si Jake sa Instagram ng old photo niya as Charice na katabi ang bagong photo niya as Jake.
Heto ang caption ni Jake: “Sister ko nga pala. Si Charice. Hahahahaha! Joke lang. I love this. Ang pinakamasayang pagbabago sa buhay ko. Enjoy, laugh, or whatever u wanna feel sa photo na ito. Looking at these photos makes me feel so happy and fulfilled. Hay. Love you guys!”
Pinagsisikapan ni Jake ang kanyang transformation bilang isang transman. Nag-post ito kamakailan na nagwu-workout ito sa isang gym.
Dumaan na siya sa isang major surgery at nagpapa-inject siya ng male hormones na siyang dahil kung bakit tinubuan na ito ng bigote at balbas.