By Liezle Basa Iñigo
POZORRUBIO, Pangasinan – Arestado ang isang 42-anyos parlorista rito makaraang sunugin nito ang inuupahang apartment sa Brgy. Batakil, Linggo ng hapon.
Ayon kay Chief Inspector Melecio Mina, hepe ng pulisya ng Pozxorrubio, lasing ang suspek na si Benny Ramos nang sunugin nito ang inuupahang apartment na pagmamay-ari ng isang Modesta Calpito.
Bukod sa apartment, nasunog din sa insidente ang isang van at tractor.
Kalkula ng Bureau of Fire and Protection (BFP), humigit kumulang P1.5 million halaga ng ari-arian ang naabo sa insidente.
Kuwento ni Calpito, matagal na raw hindi nakakapagbayad ang parlorista nguni’t ‘di niya akalain susunugin nito ang inuupahang apartment.
Kasalukuyang nakapiit si Ramos habang inihahanda ang kasong arson.