By DANTE ‘DANZ’ A. LAGANA
NAKAUSAP ng TEMPO ang source na relative ng isang fight instructor. Naikuwento nito kung gaano kagaling pumick-up sa mga fight routines ang isang kilala at magaling na aktres na kasalukuyang may ginawang pelikula kasama ang isang Fil-Am na kilala rin naman sa larangan ng sports.
Humanga raw ang instructor sa sobrang dedicated ng actress sa mga stunts, knife fight scenes at mga routines ng bawat eksena. Kumbaga buwis buhay na ginampanan ng actress ang pagiging action star this time.
Baliktad naman daw sa kilalang Fil-Am na kilala sa sports na kapareha ng magaling na actress dahil medyo mahina raw pumick-up sa fight scenes.
Sa pelikula, may sinusunod na fixed program para maging cinematic ang dating.
Pero understandable naman daw iyon kasi compared sa kinagawian niyang sports na talaga namang spontaneous lang basta sumunod lang sa rules and regulations kapag siya ay lumalaban. Besides first action movie ito ng Fil-Am na kilala sa kanyang husay sa kanyang kinahiligang sports.