By LAILA CHIKADORA
WALANG bakanteng upuan sa Celebrity Blocked Screening ng “Paddington Bear” sa Robinson’s Magnolia nitong Tuesday night kaya naman ngiting tagumpay si Xian Lim na siyang boses ni Paddington Bear sa Philippine release nito. Say ni Xian, isa ito sa mga blessings niya ngayong 2018!
Mas naging espesyal naman ang gabi dahil ka-date ni Xian si Kim Chui na todo suporta sa kanyang “level up” nang jowa!
Say ng Chinita Princess: “Lahat kami naandito to support Xian Siyempre nakaka-proud, Hollywood-ish na siya!”
Pagdating naman sa dubbing, willing din si Kim na subukan ito pero sa ngayon ay ipapaubaya muna niya kay Xian!
Kalilipat lang ni Xian sa Viva last week, bagong management, bagong hairstyle din ang ipinakita ni Xian na may highlights ngayon ang buhok! Say ng bagong Viva talent.. “Ok naman everything’s going well and I just wanna say that I am thankful and grateful for everything that is happening this 2018.”
Pagdating naman daw sa mga desisyon na may kaugnayan sa trabaho, hindi pinapakialaman ni Kim si Xian. Say ni Kim, “Kami naman hands off kami when it comes to work at pag trabaho, trabaho ‘yan, suportahan na lang, and hindi ako nangingialam, sariling choice naman niya ‘yun”
Kahit naman apart sila in terms of management, ay very together pa din sila, at never nabawasan ang kanilang pagkikita o communication. Say ni Xian, “Wala namang nagbago, everything’s the same”
Isa sa magiging proyekto ni Xian sa Viva ay ang pelikulang “Miss Granny” kung saan makakasama niya ang ibang Viva stars tulad nina Sarah Geronimo at James Reid. Looking forward na siyang makabatuhan ng linya ang dalawa na mas pina espesyal pa dahil ang blockbuster direktor na si Bb. Joyce Bernal ang magdi-direk ng movie.
Pero bago yan, may isa pang movie under Star Cinema na dapat abangan ng lahat sa araw ng mga puso. Inilabas na ang teaser ng “Sin Island” at say nga ni Xian… must watch ito. “It’s gonna be a movie na may bagong panlasa especially Valentines Day, kung kailangan mo ng makakasama, this is the movie for Valentine’s”