By Martin Sadongdong
Isa pang communist leader ang arestado ng pinagsaman police at military operatives sa Ozamis City, Misamis Oriental.
Kinilala ni Superintendent Lemuel Gonda, spokesperson ng Northern Mindanao Police Regional Office (PRO-10), ang suspek na si Rommel Dorango Salinas, 45 anyos at secretary ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Tiklo si Salinas ng elemento ng Ozamiz City Police and 10th Infantry Battalion (IB) at Philippine Army (PA) Lunes ng umaga.
Ang pag-aresto ay may kinalaman sa arrest warrant laban kay Salinas na nahaharap sa kasong frustrated murder at destructive arson.
Ayon pa kay Gonda, nasa hearing pa si Salinas sa isa pang kaso na kinakaharap nito nang siya ay arestuhin.
“Naka-detain na siya noong nag-hearing siya kahapon sa previous case niya last year. After the hearing, saka na-serve ‘yong warrant of arrest,” ani Gonda.