By RUEL J. MENDOZA
HINDI pala madali ang gumanap na isang sirena sa big screen ayon sa bida ng “My Fairy Tail Love Story” na si Janella Salvador.
Bilang preparations niya for the mermaid role, she has to take up swimming lessons, mermaid lessons at diving lessons.
“I have to take up those lessons sa isang diving pool na 14 feet deep.
“Dahil gusto ko talaga ang role na ito, nagtiyaga talaga ako.
“Bata pa lang kasi ako, favorite ko na ‘yung The Little Mermaid ng Disney at lagi kong sinasabi na gusto kong maging sirena sa isang movie.
“Kaya laking tuwa ko noong matupad ang dream ko with this movie,” sey ni Janella.
One year in the making ang “My Fairy Tail Love Story” dahil sa mga naging delays. Pero sinisiguro ni Janella na hindi siya ang naging dahilan kung bakit inabot ng isang taon ang filming ng movie nila ni Elmo Magalona.
“Maraming iba’t ibang reasons po. First was the schedules. Magkakaiba ang schedules namin nila Elmo, Kiko Estrada, and Kiray Celis. May mga scenes kasi na kailangan nandoon kaming apat sa location. So mahirap kaming ipagsama.
“Second po ay ang weather. Alam naman natin na unpredictable ang weather sa Pilipinas. Minsan maaraw pero biglang uulan ng malakas. So napa-packup kami because of it.
“Pero ang importante ay natapos na po namin ang movie and mapapanood na nila ito on Valentines Day,” ngiti ni Janella.
Noong magkasakit na dengue si Janella, binibisita raw siya ni Elmo sa ospital everyday para malaman kung maayos na ang kalagayan niya.
“Para ko siyang nurse. He reminds me to take my medicines.
“We’re very close friends now. There’s no need to rush things sa amin.
“We still want to know one another more,” pagtapos pa ni Janella Salvador.