By RUEL J. MENDOZA
SA nalalapit na pagtatapos ng teleserye na “Impostora,” nakakaramdam ng separation anxiety or sepanx si Kris Bernal dahil inabot din ng eight months ang kanilang show.
Naging close na rin sila ng kanyang leading man na si Rafael Rosell at nagpadala ng kanyang pasasalamat si Kris sa pamamagitan ng social media account niya na Instagram.
“@rafrosell. honestly, as much as I hate it, all good things must come to an end. #Impostora ends in Feb. For sure, sepanx na naman ako sa co-actors ko. And, I’m gonna miss this person the most. Can I say that by far you’re my favorite onscreen partner? I hope to have the opportunity to work with you again in the future. Sana comedy naman para chill lang tayo,” caption pa ni Kris.
Nagpasalamat naman si Rafael sa magandang mensahe ni Kris sa kanya.
“Siyempre, thank you very much. Ako rin naman, sobrang nag-enjoy na makatrabaho siya. She’s very professional, magaan kasama sa set, at napakagaling niyang aktres in interpreting two contrasting roles in the story. Ako rin, gusto ko siyang makatrabaho uli in the future.”
Sa Instagram Stories ni Kris ay pinost niya ang photos ang videos ng kanyang pamamaalam sa characters na sina Nimfa and Rosette.
Mami-miss daw ni Kris ang umarte ng mag-isa dahil nga dual role siya ay minsan daw ay paulit-ulit nilang isu-shoot ang isang confrontation nila Nimfa at Rosette.
“Mamimiss ko ‘to lagi ako nag-iimagine na may kausap!” caption pa niya.
First time din daw na malagyan ng matinding prosthetics si Kris, lalo na sa character niyang si Rosette na nakalbo na at nasunog ang mukha.
Heto ang mga captions niya:
“No more Impostora! It’s a wrap! Rosette signing off!”
“Masaya din pala maging kontrabida. Rosette I learned so much from you. Signing off!”