By GLEN P. SIBONGA
WALA na raw mahihiling pa si Kris Aquino para sa kanyang nalalapit na kaarawan sa Feb. 14. Pakiramdam niya kasi ay ang daming blessings na ang naibigay ni God sa kanya at patuloy pa siyang bine-bless.
“Parang sobrang kapal na ng mukha ko kung meron pa akong hihilingin kay God at this point. Kasi who wouldn’t want love, right? But I said forget it. So, regarding that, I just really want my children to grow up healthy, happy, secured, good-natured, generous, and respectful. And I think if I’m able to raised them that way, I’ve already gotten what I already prayed for,” sabi ni Kris.
Aminado si Kris na dumaan siya sa mga pagsubok lalo na sa kanyang career sa nakaraang mga taon. Pero hindi siya nag-give up. “Sabi ko, what a difference a year makes. I need to go through 2017… I guess, from April of 2016 all the way to when ‘Crazy Rich Asians’ was shot, June 23 of 2017. Parang that was a process of 14 months na talagang trinay ako ni God, tinest ‘yung faith ko. It was after that that things started falling into place.”
Kung tila pansamantalang nagsara ang pintuan para sa TV career ni Kris, bumukas naman ang bintana para sa panibagong platform na kanyang pinagrereynahan ngayon among local celebrities – ang online world at social media. Itinatag niya rin ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) para sa kanyang web shows na regular na mapapanood sa YouTube channel niyang The Aquinos at sa kanyang social media accounts sa Facebook at Instagram.
Nagpapasalamat din si Kris na dahil sa new found career niya sa online at social media ay patuloy na dumarami ang kanyang endorsements at brand partnerships. Recently ay pumirma si Kris ng kontrata para sa kanyang ika-39 endorsement, ang Ever Bilena, at ang ika-40 naman ay ang Healthy Family Purified Water.
Nagbukas na rin noong Feb. 5 ang branch ni Kris ng Chowking sa Quezon Avenue Araneta. And to date ay mayroon na siyang sampung branches ng Potato Corner at Nacho Bimby.
Malapit na rin siyang mag-shoot ng pagbibidahan niyang horror flick to be directed by Adolf Alix Jr. para sa internet TV service provider na iFlix.