By Chinkee Tan
Etong pag-uusapan natin ngayon ay medyo controversial o sensitibo since this issue involves ang mag-asawa at pagtulong sa magulang at pamilya.
May mga tao, kaibigan, kapatid o kamag-anak ka bang tinutulugan?
Minsan kasi, mapapatanong tayo mga ka-Chink, papano kami makakapag-ipon kung ang asawa ko ay kailangan pa ding mag-sustento sa pamilya niya. Kulang na nga sa budget, mababawasan pa.
Medyo madaming nasa ganitong situation pa din hanggang ngayon lalo na sa atin masyado tayong close sa ating mga pamilya.
Sa totoo lang mga ka-Chink, seryosong issue ito na dapat ma-solusyonan AGAD AGAD. Nakakalungkot na minsan dahilan din ito ng pag-aaway at minsan nauuwi sa paghihiwalay ng mag-asawa.
Mga ka-Chink, para maiwasan ito may tatlo akong tips sa issue na ito:
1. PAG-USAPAN
Sa kahit anong issue man sa buhay mag-asawa, ang importante ay pagusapan ito ng maigi lalo na kung pera ang involved dito. Sabi nga, “Prevention is better than cure and it takes two to tango.”
Huwag mong ilihim sa kanya na gusto mong magbigay ng tulong o sustento sa pamilya mo dahil sure ako na magsisimula ito sa di pagkakaunawaan o away! Ilagay mo din ang sarili mo sa sitwasyon na ikaw ang pag lihiman, aray ko po.
Masakit talaga yan.
Ang usaping pera ay dapat may tranparency, malinaw, at walang lihiman sa isa’t isa. Ito ay seryosong issue ng PAGTITIWALA.
2. LIMITASYON
Mag set ng limit sa pagtulong. Bakit? Income kasi ay LIMITED, kaya sustento ay dapat limited din.
Since may sarili ka nang pamilya, ang tulong mo sa iyong mga kapatid at magulang dapat ay may limitasyon din. Turuan sila pano kumita o magkapera on their own para tumayo sila sa sarili nilang paa. “Teach them how to fish” ika nga nila.
Also mga ka-Chink, ang tulong mo ay hindi dapat makaka-apekto ng malaki sa budget ng pamilya mo dahil meron din kayong pangangailangan sa araw-araw! Tumulong pero tandaan na ito dapat ay may limitasyon.
3. PRIORITY
Linawin ko lang mga ka-Chink na hindi masamang tumulong o mag sustento sa pamilya lalo na kung may extra naman.
PERO, PERO, PERO, tandaan na ang PRIORITY mo ay ang iyong sariling pamilya. Sila na ang priority mo, sila na ang binubuhay at tinataguyod mo.
Eto payo ko din sa mga single na ka-Chink dyan, mag-isip isip muna kayo bago mag-asawa lalo na kung ang pamilya o magulang mo ay nakaasa pa din sayo.
Ano ba ang iyong priority?
Kung gusto mo pang lawakan ang iyong pangunawa kung paano masabihan ang iyong asawa kung ano ang tamang pamamaraan ng pagtulong at pagsustento, dalhin mo siya sa upcoming live seminar ko sa March 10, Saturday, 1 p.m. sa Greenhills, San Juan City. All participants also will get my FREE BOOK, “HAPPY WIFE HAPPY LIFE.”
For more details please visit chinkeetan.com/hwhl.