By DANTE ‘DANZ’ A. LAGANA
MAY ishinare na kuwento ang ating source about sa isang aktres na nagfeeling sikat sa isang dinaluhang event sa isang sikat na mall sa Mandaluyong.
Ang siste, nagpasama sa mga guards ang aktres sa CR nang ito’y mag-call of nature. Nagmamadali siya na feeling niya dudumugin siya ng mga taong nandodoon sa mall.
Ang mga guards naman todo bantay na rin. Dire-diretso si aktres walang lingon-lingon, humahangos na baka sugurin siya ng mga fans.
Pero ang masaklap, walang pumansin sa aktres na feelingera. Para siyang hangin na dumaan lang sa kapaligiran ng mall.
Hindi naramdam ng mga tao ang presence niya.
Nagkamali siya sa iniisip niya na ima-mob siya. Maaaring sa panaginip niya matupad ‘yun, saad pa ng source habang tumatawa.
Siya lang naman ang aktres na may pagkamadaldal at mabilis daw magpalit ng boyfriend agad-agad. Pero ngayon, nakahanap na siya ng tunay na mamahalin dahil lumagay na siya sa tahimik sa kanyang boyfriend na nagtry din sa showbiz, ngunit hindi sumikat. Ganun!