By LHAREINE JAVIER
Inamin ng “4 Days” actor na si Mikoy Morales na first kiss niya sa big screen ang ka-partner nito sa pelikula na si Sebastian Castro.
Sa paglabas ulit sa sinehan ng kanilang indie film na “4 Days” tungkol sa kakaibang pag-iibigan ng dalawang lalaki, naikwento ni Mikoy na dream come true daw ang kaniyang role.
Ayon kay Mikoy, hindi raw siya nailang sa mga intimate scenes nila ni Seb. Nangyari raw ang kissing scene sa second day ng shooting nila kaya wala nang ilangang nangyari. Di niya maikailang kinabahan siya.
Nang tanungin si Seb kung ano ang masasabi niya na siya ang first kiss nito, naging komportable naman daw silang dalawa.
Wala naman daw naging preparasyon ang dalawa para sa kissing scene nila. Ayon kay Mikoy, “We just let it happen. I let him do the kissing and I did the kissing back.”
Nang tanungin kung nakatulong ba na gwapo si Seb para maitawid nila ang scene, pabirong sumagot si Mikoy na hindi na masyado lalo na kung magkalapit na ang mukha nila sa isa’t isa.
Pareho namang um-oo ang dalawa nang biruin kung kinikilig ba sila sa isa’t isa habang shinu-shoot ang palabas.
Balik sinehan ang “4 Days” na ipapalabas sa piling SM Cinemas ngayong darating na Valentine’s Day, Feb. 9-15.