By ROBERT R. REQUINTINA
IIMBITAHIN pa rin ng aktor na si Xian Lim si Kim Chiu na panoorin ang kanyang bagong pelikula na “Sin Island” kahit sabihin pang medyo bold ang peg ng nasabing pelikula.
Gayun din si Coleen Garcia na iimbitahin din nya ang kanyang future husband na si Billy Crawford na panoorin ang movie.
“If she wants to watch, she’s more than welcome,” natatawang sambit ni Xian, sa isang interview sa “Tonight With Boy Abunda” sa ABS CBN.
Ayaw sagutin ni Xian ang mga tsikang meron daw syang nude scene at butt exposure sa “Sin Island.”
“Tignan na lang natin sa pelikula,” sabi ni Xian nang tanungin ang tungkol sa paghuhubad nya sa pelikula.
First time naman na iimbitahin ni Coleen si Billy na panoorin ang kanyang pelikula.
“Oo naman! I’ve always been shy to invite him to watch my movies. Pero this is the first time that ‘Oh my gosh! You have to watch this!’ cuz it’s really a nice movie,” ayon kay Coleen.
“More than sexy, it’s very edgy,” dagdag pa ni Coleen.
Nang tanungin kung ito na ang huling daring na pelikula ni Coleen, sinabi ng aktres: “It depends on the material. If it’s a good movie why not?”
Naka takda kasing ikasal si Coleen kay Billy ngayong taon.
Samantala, ayaw namang lagyan ng label nila Xian at Kim ang kani lang relasyon kung sila ba ay magkasintahan talaga o hindi kahit na madalas silang magkasama sa loob at labas ng bansa.
Nakatakdang ipalabas ang “Sin Island” sa Valentine’s Day.