By DANTE ‘DANZ’ A. LAGANA
ISANG malupit na humahagupit ang naging performance ng pambato at Pinoy pride natin na si KZ Tandingan sa “Singer 2018” na Chinese reality singing contest sa China.
Tinalo niya ang sikat at magaling na British pop star, singer-songwriter na si Jessie J na nagpasikat sa mga awiting “Price Tag”, “Flashlight” at iba pang kanta na lalong nagpaigting sa kanya bilang isang singer.
Dahil sa pagkakatalo sa kanya ng Pinay naging pangalawa siya na kitang namangha sa ipinakitang gilas ni KZ sa pag-awit. Nagnumber one spot naman si KZ ngayong 5thepisode ng “Singer 2018” at lalaban uli siya sa next round.
Sa kinanta ni KZ na “Rolling in the Deep” which is originally song by Adele, binigyan ni KZ ng kakaibang jazzy rendition. Sa umpisa ng awitin nilagyan niya ng auto-tune which is actually her part of rendition. Tahimik ang mga audience while singing the first part. Makikita sa mga Chinese na naghihintay, nagtataka what comes next.
Biglang nagulat at napawow ang mga audience nung nagrap ng tagalog lines si KZ hanep plakado magrap. Palakpakan ang mga Chinese kahit siguro hindi nila naiitindihan ‘yung Pinoy rap at lyrics ng kanta pero for sure alam nila ang sikat na kanta ni Adele. Napapasayaw pa ang mga audience sa bagong areglo ng kanta habang in attitude at sinusundan ng saliw ng moves ni KZ ang bawat lyrics ng awitin. Pagkatapos niyang umawit sigawan at may kasamang palakpakan ang mga audience.
Hindi na bago si KZ sa singing contest na kagaya nito dahil siya lang naman ang winner noon ng first season ng “The X Factor Philippines” in 2012. Genre niya ang Jazz at pagrarap. Na kilala siya sa awitin niyang “Mahal Ko o Mahal Ako.”