By Mika Ongkiko
KAGAGA LING lamang sa break up ng “4 Days” actor na si Sebastian Castro mula sa kanyang apat na taong relasyon kay Ryan Chua.
Ayon kay Seb, ngayong taon ang unang beses niyang magse-celebrate ng Valentine’s Day mag-isa matapos ang mahabang panahon na may kasalo siya sa pagdiriwang na ito.
Sa isang interview, inalala ni Seb ang mga surprise na kanyang ginawa para sa dating nobyo kabilang na ang pag-uwi rito sa Pilipinas para sorpresahin ang lalaki at palagiang pagbibigay ng mga bulalaklak, flowers, at chocolate.
Ibinahagi rin ni Seb sa media kung kailan niya unang napagtanto na siya pala ay hindi isang straight na lalaki.
“I was in high school back then and he was my bestfriend,” ayon pa kay Seb. Lagi silang magkasama kaya siya ay naattract sa kanyang matalik na kaibigan.
Ang “4 Days” na pinagbibidahan ni Seb at Mikoy Morales ay muling ipapalabas sa mga piling sinehan ngayong Valentine’s Day, Feb. 9-15 at dinirekta ng award-winning director na si Adolf Alix Jr.