Ipinahayag kamakailan ni Presidential Political Adviser Secretary Francis N. Tolentino, na siya ring naitalagang Overall Mayon Volcano Crisis Manager, na may sapat na suplay ng pagkain sa lahat ng evacuation centers kasunod ang paglabas ng mga pangamba na kulang ang suplay ng bigas mula sa National Food Authority (NFA).
Ayon kay Tolentino, nakipag-ugnayan na siya kay NFA Administrator Jason Aquino tungkol sa naturang usapin at kapwa sila nagkasundong sisiguruhin na sapat ang suplay ng bigas para sa mga kababayan nating biktima ng
patuloy na pagputok ng Bulkang Mayon.
Gayundin, nanawagan si Tolentino sa iba pang nais na magpaabot ng tulong na pagkain para sa mga evacuees sa Albay na maliban sa mga de-latang pagkain tulad ng sardinas at corned beef, maaari ding samahan ng mga gulay at root crops tulad ng kamote ang mga donasyon.
Isa sa pinakamabilis na tumugon sa panawagang ito ni Tolentino si Department of Labor and Employment Secretary Sylvestre Bello III na bumisita sa Albay kamakailan dala ang mga gulay na ipinamahagi sa mga evacuation centers sa Tabaco City at iba pangbahagi ng Albay.