By Rowena Agilada
PINANINDIGAN ni Mike Tan na huwag mag-detalye tungkol sa secret wedding nila ng kanyang non-showbiz wife. Sabi niya sa presscon ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” very private person ang kanyang wife at nirespeto niya ang kagustuhan nito na maging private ang kanilang wedding. Only their immediate families and some close friends ang invited.
Pinagbilinan nila ang mga ito na huwag magpo-post sa social media ng pictures na kinunan sa kanilang kasal.
Kahit noong mag-BF-GF pa lang sila’y tahimik lang si Mike sa kanilang relasyon for more than ten years, bago sila nagpakasal. Noong nag-join si Mike sa “Starstruck” ay girlfriend na niya ito. Ang alam ng press, naging GF ni Mike si LJ Reyes na batchmates sila.
In any case, excited si Mike sa bago niyang afternoon prime series sa GMA. He plays Marco Angeles in “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Asawa niya si Yasmien Kurdi bilang Thea Balagtas na nagkaroon ng HIV (Human Immunodeficiency Virus). First-ever advoca-serye ito na tumatalakay tungkol sa taong HIV positive. Layunin ng serye na magkaroon ng awareness ang viewers kung paano haharapin ng taong may HIV at ng mga mahal nito sa buhay ang sitwasyon.
“Hindi lahat ng may HIV ay namamatay. May mga gumagaling. Hindi sila dapat pandirihan. Unawa, pagmamahal at suporta ang kailangan nila,” pahayag ni Yasmien.
Challenging
Challenging para kay Martin del Rosario ang role niya sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” He plays Lawrence de Leon na dahil sa pagiging womanizer ay nagkaroon siya ng HIV. Iba’t ibang babae ang nakatalik niya.
First time ni Martin sa gano’ng role na aniya, nag-research siya tungkol sa mga taong may HIV. Nag-diet din siya.
“Hindi dapat sumuko. Huwag mawawalan ng pag-asa,” he said.
Asked kung sa totoong buhay ba’y naranasan niyang makipag-one night stand sa mga babaeng hindi naman niya lubos na kilala, napangiti si Martin sabay sabing, maingat naman siya. Gumagamit siya ng condom dahil aware siya na dumarami na ang bilang ng mga taong may HIV dito sa Pilipinas.
Mapapanood ang HKKIK simula Feb. 26 sa GMA Afternoon Prime. Tampok din sina Jackie Rice, Gina Alajar, Charee Pineda, Mike “Pekto” Nacua, Shamaine Buencamino, Ina Feleo, atbpa. Mula sa direksiyon ni Neal del Rosario.
Dedicated ang HKKIK sa yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes na namahala sa pilot episode (o pilot week?) nito.