By DANTE ‘DANZ’ A. LAGANA
UMUUSOK daw sa galit ang kapitbahay ng aktres na sumikat noong panahon ng kanyang kabataan na medyo active pa naman ngayon sa showbiz ayon sa ating source.
Nagsimula ang galit daw ng kapitbahay sa aktres na nakatira somewhere in the city east of Manila na kilala as a Catholic pilgrimage site.
Ang kuwento nainis daw ang kapitbahay dulot ng amoy ng ihi at dumi ng mga aso ng aktres na umaalingasaw daw sa kanila. Pansin daw nila laging walang tao sa bahay ng aktres. Baka nga raw pati kasambahay ng aktres ay kasama kapag umaalis ng bahay. Dahil doon napapabayaan daw ‘yung mga aso nila.
Umabot pa raw na pinabarangay ng kapitbahay ang aktres ayon sa source. Ang ending, maaaring nagkaayos na raw ‘yung magkapitbahay.
Ang bida ng kuwento ay naging anak-anakan ng batikan at award winning dramatic actress. Ganun!