By RUEL J. MENDOZA
PUNUNG-ABALA ang bida ng “Kambal, Karibal” na si Bianca Umali para sa kanyang nalalapit na debut sa Mar. 17.
Mula sa mga imbitasyon, tema ng debut, pagkain at souvenirs ay may personal touch ni Bianca.
“Masaya mag-prepare lalo na parang kung ano ang gusto mo, iyon ang nangyayari.
“Simple lang po ang gusto kong feel ng party ko. Hindi naman po masyadong extravangant. ‘Yung tama lang po at gusto ko po na busog ang mga magiging bisita ko,” ngiti pa niya.
“Kaya kapag wala akong taping, inuupuan ko ang preparations with my coordinator. Para maayos po lahat at ma-enjoy ng mga bisita ko ang 18th birthday ko,” ngiti pa ni Bianca.
Binalak talaga ni Bianca na mag-travel siya sa kanyang 18th birthday. Gusto niyang pumunta sa bansang Japan at Greece.
“‘Yun po talaga ang gusto ko, pero naisip ko rin na once in a lifetime lang mangyayari ang maging 18 kaya itodo na natin. Para mas masaya rin ang mga taong nagmamahal sa akin.
May special daw na gagawin si Miguel sa kanyang debut party.
Masayang-masaya ang Kapuso teen star dahil sa magandang pagtanggap ng marami sa primetime teleserye nila ni Miguel Tanfelix na “Kambal, Karibal.”
Patindi nang patindi na raw ang mga kaganapan sa teleserye at wala sanang maka-miss sa mga darating na episodes.