By Rowena Agilada
Full of confidence si Enrique Gil na magiging officially together sila ni Liza Soberano. Aniya sa mga interbyu sa kanya, kahit walang label ang namamagitang relasyon nila ngayon, parang “sila” na rin ni Liza.
Ayon pa kay Enrique, willing siyang maghintay hanggang mag-23 or 24 years old si Liza. Nirerespeto niya ang ipinangako ng dalaga sa lolo nito na magbo-boyfriend lang kapag 23 or 24 na.
Three to four years pa ang hihintayin ni Enrique. Mukhang bantay-sarado ang binata. Sa ganda ba naman ni Liza, maraming guys na abangers (nag-aabang) ang naghihintay ng pagkakataon na makaporma sa dalaga.
Sad naman ang LizQuen fans dahil kinumpirma ni Enrique na hindi na siya kasama sa cast ng “Darna” movie na pagbibidahan ni Liza. May bigger project daw na inilalaan for him.
Maging happy na lang ang LizQuen fans sa upcoming teleserye nina Liza at Enrique, ang “Bagani.”
Suko na?
Kung may mga nagpu-push na magkabalikan sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, may mga nagpu-push naman na magkaroon ng “something” sina Angelica at Sam Milby. Business partners sila, kasama si John Prats. Nagpoprodyus sila ng music videos, concerts, MTV’s, atbpa.
Kabi-break lang nina Carlo at Sam sa kanilang respective non-showbiz girlfriends. Si Angelica , mukhang hindi pa totally naka-move-on sa pag-iwan sa kanya ni John Lloyd Cruz. Panay pa rin ang patutsada niya sa ex-BF at kay Ellen Adarna. Nag-deactivate na nga si Ellen ng kanyang Instagram ( IG ) account . Suko na kaya siya sa mga patutsada ni Angelica?
Kilig ang fans kung mag-e-effort talaga si Carlo na ligawan muli si Angelica. Last Valentine’s Day ay pinadalhan niya ng bouquet of white roses ang ex-GF.
Confused
May mga nagpu-push at humohopia (umaasa) naman na magkakaroon ng “something” sina Atom Araullo at Gretchen Ho. May mga kinilig sa palitan ng messages nila sa twitter noong nakaraang Valentine’s Day.
“Waiting for my lifetime Valentine” ang tweet ni Gretchen. Sinagot naman ‘yun ni Atom ng “Stop this now.” Na-confuse si Gretchen. Clueless siya kung ano’ng gustong ipahiwatig ni Atom. Ano nga ba?
More than a year nang loveless si Gretchen since nag-break sila ni Robi Domingo. Si Atom naman, walang nababalitang girlfriend. Tuksu-tuksuhan lang ‘yung isyu sa kanila ni Pia Wurtzbach. Atom at Gretchen, bagay ba?