By Ruel J. Mendoza
Looking forward ang aktres na si Angelu de Leon na makatrabaho ang mga baguhang artista ngayon.
Very supportive si Angelu lalo na sa mga nakikita niyang may mga potensyal na maging big star tulad niya na naging top teen star noong ‘90s.
Pero may pagkakataon daw na may nakatrabaho siya na baguhan na di alam ang ibig sabihin ng salitang pakikisama.
“Nagulat ako kasi mukha siyang mabait. Magalang naman siya sa akin. Nalokah lang ako kasi parang may ibang mundo siya,” tawa ni Angelu.
Maayos naman daw ang rehearsal nila bago mag-take ng eksena. Pero noong mag-take na raw sila, bigla raw iba ang pinaggagawa ng young actress.
“Wala namang problema sa akin kung konti lang ang ibahin sa kaeksena ko. Pero ‘yung totally na gumawa ka ng ibang eksena, ibang usapan na iyon.
“Parang ang selfish mo naman kapag gano’n ka. Hindi ka team player.
“Kaya may eksena tayo, para magkaroon tayo ng interaction. Hindi ‘yung bigla na lang ikaw na lang ‘yung umeeksena. Eh kasama ako sa scene, ‘di ba?
“Ayun pinagalitan tuloy siya ng direktor namin,” sey pa ni Angelu.
Marami na raw na-encounter na iba’t ibang ugali ng mga kabataang artista ngayon si Angelu. Karamihan naman daw ay mababait at marunong makinig, samantalang ‘yung iba ay feeling marunong na.
“Dumaan ako sa pagiging baguhan. Pero never akong nagpakadunong. I always ask questions at inaalam ko kung may mali ba ako sa mga ginagawa ko.
“May ibang mga artista kasi ngayon, they feel privileged. Mga spoiled brats. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang mga ugali nila. Maybe because pinagbibida na sila agad.
“It’s pays to be humble sa industriyang ito. The more humble you are, the more people would love to work with you,” pagtapos pa ni Angelu de Leon na kasama sa bagong afternoon teleserye na The Stepdaughters.