By Rowena Agilada
Pasalamat si JM de Guzman na magaling siyang aktor, kaya nabigyan na naman siya ng pagkakataong makabalik sa showbiz.
Sana this time ay magtuluy-tuloy na si JM sa kanyang showbiz career para hindi masayang ang God-given talent niya sa pag-arte.
Buung-buo pa rin ang tiwala kay JM ng Kapamilya Network. Magbibida siya sa upcoming project, “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.” Ang baguhang si Barbie Imperial mula sa PBB house ang leading lady ni JM.
Noong unang lumabas si JM sa rehabilitation center ay na-link siya sa isang Imperial, si Meg Imperial. Almost there na sila into “something”, kaya lang ay nagkabalikan sina JM at Jessy Mendiola.
Nanatili ang friendship nina JM at Meg. Noong muling napasok si JM sa rehab. ay sinuportahan pa rin siya ni Meg hanggang paglabas niya. Ma-rekindle kaya ang special feelings nina JM at Meg sa isa’t isa?
Sa pagbalik-showbiz ni JM, isa na namang Imperial, si Barbie Imperial naman ang una niyang makakatrabaho. Siguro naman, hindi sila mali-link sa isa’t isa dahil open ang relasyon ni Barbie at ng singer-actor na si Paul Salas.
Dream
Pahinga muna sa pagdidirek si Gina Alajar. Akting muna siya ngayon na aniya, sobrang na-miss niya ang pag-arte. Siya ang nanay ni Mike Tan sa upcoming GMA Afternoon primes series , “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Pilot telecast on February 26.
“Pag artista ako, less ang responsibilidad. Sarili ko lang ang iniisip ko. Pag direktor ako, ang dami kong iniisip.
Wala akong time makipag-bonding sa mga artista ko o makipagtsikahan ,” sabi ni Gina sa presscon ng HKKIK.
Aniya pa, mas relax siya kapag artista siya. Nakakapagkulitan siya sa co-stars niya. Asked kung mas malaki ba ang talent fee kapag artista siya, smile lang ang award-winning actress.
Puring-puri ni Gina sina Mike Tan, Yasmien Kurdi at Jackie Rice na co-stars niya sa HKKIK. Nakatrabaho niya ang mga ito noong “Starstruck” days na aniya, malaki ang ipinagbago ng mga ito.
“Nag-mature na sila ngayon. They’re very hardworking, marespeto at never nag-complain. Dati si Jackie, walang pakialam. Yasmien is getting better now. Mike is one of the bankable Kapuso stars now. I’m proud of them. Ang isang dream ko bilang direktor ay mai-direk ang mga ‘Starstruck’ alumni,” lahad ni Gina.